DEAN GLORIA MARTINEZ-SANTOS
Ina ng Kasaysayan
1922-2011
Ang Philippine Historical Association ay lubos na nakikidalamhati sa pamilya ni Dean Gloria Martinez-Santos na pumanaw nitong umaga ng Marso 25, sa edad na 89.
Si Dean Santos ay executive director ng Philippine Historical Association mula pa noong 1980. At naging unang babaeng pangulo ng PHA mula 1971-1972.
Siya ay ibinurol sa Loyola Columbary sa Commonwealth Avenue, Quezon City at inilibing nitong Marso 29 sa Himlayang Pilipino, Tandang Sora, Quezon City.
Nagsagawa ng necrological service noong Marso 27(Linggo) ang PHA. Nagbahagi sina Dr. Cesar Pobre, Dr. Pablo Trillana III, Dr. Milagros Guerrero, Dr. Teofista Vivar, Dr. Evelyn Miranda at Jonathan Balsamo ng kanilang pagpapahalaga, karanasan at alaala kay Dean Santos.
Si Prof. Jerome na nagsilbing tagapagdaloy ng programa.
Si Dr. Cesar Pobre, matalik na kaibigan at kasama ni Dean Santos sa PHA.
Naging emosyonal si Atty. Pablo Trillana III sa pag-alala kay Dean Santos na itinuring niyang parang sariling ina.
Dr. Teofista L. Vivar, malapit na kaibigan at laging kasa-kasama ni Dean Santos.
Pinahalagahan ni Dr. Milagros Guerrero ang papel sa kasaysayan at historiograpiya ni Dean Santos.
Ibinahagi ni Dr. Evelyn Miranda ang mga pangyayari sa mga nagdaang buwan na nakasama niya si Dean Santos sa mga gawain ng PHA.
Narito ang ilang mga personal na pahayag at pagpapahalaga ng mga kapamilya ni Dean Santos sa Philippine Historical Association at sa daigdig ng kasaysayan:
Kuha mula sa huling interview kay Dean Santos para sa dokumentaryo ukol sa mga beterano ng World War II ni Xiao Chua (March 1, 2011) |
The Grand Old Dame of the PHILIPPINE HISTORICAL ASSOCIATION
Huling larawan ni Dean Santos kasam ang board ng Philippine Historical Association [PHA Annual Meeting, UST Manila, Jan. 30, 2011) |
She Walked with Heroes by Oscar L. Evangelista I used to kid her whenever she started naming big wigs she met. She was a great story teller and regaled us with stories of her encounters with the sikats and the not-so-sikats. She has received many accolades from the high and mighty as well as from the downtrodden and the poor. I met Manang Glo in the 80's, an association which lasted thru January this year at the general meeting of the PHA. She holds the distinction of having served the PHA since its founding 55 years ago in various capacities but as long time executive director. She saw the PHA in its years of glory and in years when the association was down and out. She kept the PHA going by making use of her connection with St. Mary's College where we held our meetings and conferences for free. For me she was a mother figure who never failed to ask how Susan and the children were doing. She was so proud to describe our home in Puerto Princesa as the house with 7 gables, although she never really saw our home. When her family was still living in Veterans Memorial Compound, she gave me a white cattleya which I brought to our home. Every year it bloomed so beautifully, a reminder of awe and love for Manang Glo. This year it didn't bloom -- was it a foreboding that she was going to leave this world? I thank the Fernandez family, whom she was so proud of, especially her three apos, for sharing Manang Glo with us for many years. We loved her too. She walked with heroes -- now she walks with God. Thank you. 27 March 2011 Puerto Princesa City, Palawan Camp Aguinaldo, April 2010 GSIS Pasay City, September 2010 Camp Aguinaldo, 2010 She was a mother figure I came to know Manang Glo for the first time when I became a member of the PHA and attended its inauguration at Malacanang fifty-five years ago. Since then we saw each other every now and then during meetings, conferences, seminar-workshops sponsored by the PHA. The last time I saw her was during lunch in December, 2009. What impressed me most about Manang Glo was her deep religiousity. She prayed the rosary more often than. I remember our out-town-trips to conduct PHA seminar-workshops or conferences and while on the road, she would request us to pray the rosary in the car. I also recall the time when we went to Urdaneta, Pangasinan, to hold a seminar-workshop. After the affair, though it was a little late in the afternoon, she requested that we proceed to Manaoag to visit the shrine of the miraculous Virgin Mary of Manaoag which we did. She was one person I know who truly believed in the power of prayers. Yes, she was a mother figure. Knowing that I'm a single parent, she would asked me every time I saw her how are my children. At one time, she told me that she had a "soft heart" for me. And when I asked her why, she replied that I'm from Pangasinan like her son-in-law, Gil Fernandez, who is so "mabait." And added" I think all Pangasinan husbands are loving and compassionate." I didn't say anything, but at the back of my head, I thought that she was alluding to my being a single parent, raising four children. Did you know that Manang Glo couldn't eat lunch or dinner without patis? She said this to our group one time when we dined in one of the restaurants. And, according to her, the reason was because she grew up in Malabon. Good-bye Manang Glo! May you have eternal peace in Heaven! March 28, 2011 United States of America Isang Pagpupugay sa Aming Mahal na Ina Jerome A. Ong Alas-singko ng umaga, noong ika-25 ng Marso, nang dahil sa tinatapos na papel para sa isang klase sa doktorado ay naisipan ko nang magpahinga at matulog. Alas-otso ng umaga, mula sa sandaling pagkakatulog ay nagising at unang hinawakan ang aking celphone. May nakitang isang nakarehistrong ‘missed call’: Dean Gloria Santos, Tiyak na marami sa atin ang mangungulila dahil sa pagpanaw ng isa sa mga pinakamamahal na historyador ng ating panahon, at lalo sa aming mga kabataang nabibilang sa PHA. Sa bawat pagpupulong ay naroroon ang kanyang di-matatawarang katapatan at pagmamahal sa aming samahan – ang kanyang mga aral at payo ang siyang gumagabay sa amin upang makabuo ng mga mahuhusay na desisyon para sa ikabubuti ng lahat. Walang dudang mangungulila kami sa pagkawala ng aming pinakamamahal na ina… Una kong nakikilala si Dean Santos noong 2005 sa aking paglahok sa PHA. Napakamasayahing tao, napakaraming salaysay – ukol sa buhay at sa kasaysayan. Sa isang paglalakbay, hindi ko malilimutan ang kanyang mga kuwento ukol sa mga kontrobersyal na aspeto ng mga buhay nila Pangulong Roxas, Quezon, at iba pang mga personalidad sa kasaysayan na para bang kahapon lang nangyari ang lahat. At tunay ngang hindi nauubusan ng kuwento si Dean – hangga’t hindi mo siya pipigilan o kukunin ang mic mula sa kanya – at heto ang isang bagay na mami-miss ko sa kanyang pagkawala. Mami-miss ko rin ang ipagtimpla siya ng kape at ipaglagay ng pagkain sa kanyang pinggan. Sa isang pagkikita, nabanggit n’yang minsan: ‘Hoy Jerome, napanaginipan kita, pinapagalitan daw kita’. At lagi n’yang biro sa mga kasamahan: ‘Si Jerome, p’wede ng mag-asawa, may bahay na sa probinsya’. Sa isang pagpupulong, sa unang pagkakataon ay kanyang pinapurihan ang ginawa kong katitikan dahil mahusay daw ang pagkakasulat nito at ‘walang mali’ ni isa. Ito ang mga simpleng bagay na nagpapataba sa iyong puso – at hindi siya nagkulang sa bagay na ito. Alas-kuwatro ng hapon, noong ika-25 ng Marso, habang bumibiyahe patungong Diliman, aking nalaman mula kay Jonathan na pumanaw na pala si Dean Santos n’ung araw ding ‘yon. ‘Anong oras?’, ang tanong ko. Ang sagot niya: ‘Mga Dean Gloria Santos, aming ina, maraming salamat sa lahat ng mga alaala. Hanggang sa susunod po na pagkikita Ma’am… UP Manila Michael Charleston B. Chua Marso 29, 2011 I Noong Sabado, mula sa aking pagsasalita sa isang kamping ng Rotaract sa mga kabundukan ng Antipolo, dumiretso na ako agad kahit ako ay naka-shorts lang sa burol ni Dean Santos sa Loyola Chapels Commonwealth. Nakilala ko ang kanyang anak, apo at kasambahay. Ayaw niya raw na ipakita sa ibang tao na nahihirapan na siya. Nananalangin na raw siya noon, "Lord, huwag niyo na po ako pahirapan." Siya ay sumakabilang-buhay ng mapayapa at kitang-kita ito sa kanyang mukha. Ako ay may komitment na tour kaya hindi ako nakapunta sa necrological service ng Philippine Historical Association para sa kanya kahapon, Linggo. Ako rin nama'y kulang sa salapi. Nang sinamahan ko siya sa taxi sa pulong ng PHA noong Enero sa huling pagkakataon at sinasabi ko na patawad kailangan kong umalis agad sa pulong dahil ang Dekano ng aking kolehiyo sa DLSU ay nais akong mag-tour ng mga estudyante mula sa Baylor University. Sabi niya, hindi ko raw kailangang humingi ng tawad, karangalan daw ang ibinigay sa akin at siya mismo ay papaalisin ako sa pulong upang tuparin ang aking komitment dahil magagamit ko raw ito sa aking karera. Kaya itinuloy ko ang aking mga gawain dahil alam kong iyon ang nais ni Dean Santos para sa akin. II Sa tuwing may pagkakaton, sinasamahan ko sa pagpunta sa pagpupulong ng lupon sina Dean Santos, Dr, Vivar at Dr. Miranda sa taxi. Magkikita-kita kami sa Jollibee Philcoa at ako ang nagsisilbing gabay nila sa mga lugar na pupuntahan. Lagi nila akong nililibre sa taxi at ikinararangal ko na gawin ito para sa kanila. Sa huling pagsama ko sa kanila noong Enero, isinakay ko si Dekana sa sasakyan at binuhat kaunti, biniro ko siya, "Dean, ang ganda pa rin ng legs niyo ano!" Ang legs ang pinakamatagal tumanda sa isang tao. Makikita na ang kinis nito. Maganda si Dekana marahil noong kanyang kabataan. At sa kanyang kabaong, bumata siya ng napakaraming taon, namatay siya ng mapayapa. Sa mga pagsakay na ito sa mga taxi, ikinukuwento niya madalas ang kanyang anak, manugang at mga apo na mahal na mahal niya. Si Dekana Santos ay isang mabuting ina, hindi lang sa kanyang sariling pamilya (sa wakas akin silang nakilala noong Sabado) na lagi niyang kinukuwento sa amin kundi sa Philippine Historical Associastion. Ibinigay niya ang lahat para dito sa loob ng kalahating siglo. Kahit hindi ako Katoliko, nagkakasundo kami ni Dekana Santos sa isang bagay: ang pagpapahalaga sa mga istampita ng mga santo. Ikinuha ko si Dekana Santos ng larawan ng aking paboritong si Padre Pio na may bahagi ng tela na ipinunas sa gwantes ng banal na pari na nakalimutan kong ibigay sa kanya noong 1 Marso 2011, sa aking panayam sa UST. Ito na pala ang huli naming pagkikita. Ang laking panghihinayang ko. Noong Sabado, ibinigay ko ito sa anak ni Dekana Santos, nilagyan ko ito ng dedikasyon at,pinalagay naman niya ito sa akin sa ibabaw ng kabaong ng Dekana at nanatili doon sa buong panahon ng burol! Ang huling misa ay pinangunahan ng paring kapatid ni Dekana Santos at binigyang buhay ng pag-awit ng Veteran's Choir. Naroon kami sa PHA na kinatawan ko kasama sina Dr. Evelyn Miranda, Dr. Teofista Vivar, Dr. Estrelita Muhi, at Gng. Emelita Almosara ng National Historical Commission of the Philippines. Nagpamigay ako ng mga papel at nang may maiuwi naman ang mga bisita at malaman nila ang totoong halaga ni Dekana Santos mula sa lupon ng PHA, mula sa inyong lingkod, Jonathan Balsamo, Dr. Oscar Evangelista at Dr. Napoleon Casambre. Sa paglilibing sa Himlayang Pilipino, kung saan din nakahimlay ang bayaning si Melchora Aquino, isang babaylan ng kasaysayan ang humimlay. Nang buksan ang ataul at nang halikan sa huling pagkakataon ng anak ng Dekana ang ina, inilagay niya malapit sa kamay ng historyador na si Gloria Martinez Santos ang larawan at tela ni Padre Pio na aking ibinigay. Pinigilan kong bumagsak ang aking luha. Ang regalong aking hindi naibigay sa Dekana na alam kong ikatutuwa niya sana ay makakapiling niya sa kapayapaan ng libingan. Lumuluha sina Dr. Miranda at Dr. Vivar matapos ilagay ang bulaklak sa libingan at sinabi ko sa kanila, "Kulang na po tayo ng isa." Nasabi ni Dr. Vivar, "...and then there were three." Hindi na magiging tulad ng dati ang susunod naming pagsakay sa taxi tungo sa mga pagpupulong. Paalam mahal naming Dean Santos, Manang Glo, isang historyador, isang ina, isang Pilipino. P.S. Ngayong gabi, nag-uusap kami ni Jonathan Balsamo, ngayon lang namin nadama sa pagkahimlay ni Dean na wala na talaga siya at ang laking void ang iniwan niya sa amin. Hindi namin sasayangin ang ipinundar niya para sa PHA! |