PAGPUPUGAY SA PANGULONG TAGAPAGTATAG NG PHA
Bilang pagbibigay-pugay kay Prop. Gabriel F. Fabella (1898-1982), ginugunita ng kasalukuyang pamunuan at kasapian ng Philippine Historical Association (PHA) ang ika-30 taong anibersaryo ng kanyang kamatayan. Maliban sa pagiging Pangulong Tagapagtatag ng PHA noong 1955, siya rin ay muling nahalal na Pangulo sa mga taong 1956, 1957 at 1959. Kalaunan, siya ay inihalal bilang President Emeritus ng PHA at nakilala ding “Father of Philippine Independence Day.” Sa gulang na 83, siya ay sumakabilang buhay noong Enero 29, 1982. - ( Kristoffer R. Esquejo)