In
celebration of the
114th Anniversary of the Proclamation of Philippine
Independence
2012 Kalayaan Inter-Agency Task Force
National Historical Commission of the
Philippines
and the
Philippine Historical Association
in
cooperation with
Kalinga-Apayao State College
(Dagupan Campus, Tabuk City)
presents
MELCHORA ‘Tandang Sora’
AQUINO:
“Tagapagpalaya
ng Bayan, Tagapagpalaya
ng Kasarian at Kababaihan”
June 16, 2012
Institute of Business Administration
and Entrepreneurship Hall
Kalinga-Apayao State College
Dagupan Campus, Tabuk City, Kalinga
Province
8:00am-12:00nn
8:00am
Registration
8:30am
Opening Ceremony
National
Anthem
Community Singing
Invocation c/o Kalinga-Apayao
State College
Welcome
Remarks Dr. Joy Grace P.
Doctor
Dean, Institute of Arts and Sciences
Kalinga-Apayao
State College
Opening
Remarks Dr. Celestina P. Boncan
President, Philippine Historical Association
8:50-9:20
Ang
Paglalangkap ng Kamalayang Pangkasarian sa Pagtuturo ng Araling
Panlipunan (Workshop on Gender Sensitivity)
Prof.
Mary Dorothy dL. Jose, PHA Auditor
9:20-9:50
Tandang Sora: Babae, Bayani
Prof. Jerome A. Ong, PHA Secretary
9:50-10:00 OPEN
FORUM
10:00-10:10 BREAK
10:10-10:40
Sino ang Bayani? Iba’t Ibang Kahulugan at
Pamantayan ng Kabayanihan
Dr. Celestina P. Boncan, PHA President
10:40-11:10
Ang Kahalagahan ng Araw ng Kalayaan
Prof. Jonathan C. Balsamo, PHA Public Relations
Officer
11:10-11:50
Republic Act No. 8491: The Flag and Heraldic Code of the Philippines
Mr. Richard H. Baula, NHCP Creative Arts Specialist II
11:50
OPEN FORUM
12:00
Closing
Remarks Dr. Carmelita Ayang-ang
Vice President for Academic Affairs,
Kalinga-Apayao State College
ANG PAGLALANGKAP NG KAMALAYANG
PANGKASARIAN SA PAGTUTURO NG ARALING PANLIPUNAN
(Workshop on Gender Sensitivity)
Kadalasang
“nawawala” ang kababaihan sa kasaysayan at kaakibat nito ang pagkawala nila sa
pagtuturo ng Araling Panlipunan. Malaki ang papel na ginagampanan ng guro sa
pagbibigay ng karampatang puwang sa kababaihan, kapantay ng kalalakihan, sa mga
leksyon sa silid-aralan. Mahalagang taglayin ng guro ang kinakailangang
kamalayang pangkasarian upang makatulong sa paghubog ng lipunang gender-fair o may pantay na pagtingin sa
mga kasarian.
TANDANG
SORA: BABAE, BAYANI
Kung ang kasarian at edad ng isang tao ay magiging balakid sa pag-aalay ng sarili
para sa kapakanan ng bayan, marahil ay walang isang Melchora Aquino ang
nagmalasakit sa mga sugatang Katipunero
at makilala bilang Ina ng Himagsikan.
Siya ay kahanga-hanga --- isang babae, isang nakatatanda sa lipunan --- na
walang takot na nakisangkot sa pakikibaka ng mga Anak ng Bayan sa kanyang sariling pamamaraan. Ito ang pamana ni
Tandang Sora sa lahat --- na walang pinipiling kasarian at edad ang kabayanihan
kailanman.
ANG
KAHALAGAHAN NG ARAW NG KALAYAAN
Ang anibersaryo ng Pagpapahayag ng Kalayaan ng
Pilipinas noong Hunyo 12, 1898 ay mahalagang pagkakataon upang buhayin sa
gunita at damdamin ng mamamayang Filipino ang kasaysayan ng Pilipinas nang
higit na mapalakas ang pagmamahal sa sariling bayan. Babalikan at susuriin ang
mga tema at gawain kaugnay ng pagdiriwang ng anibersayo ng pagpapahayag ng kalayaan
mula nang ipagdiwang ang sentenaryo nito noong 1998 upang maunawaan kung
papaano nga napahahalagahan ang yugtong ito sa kasaysayan ng Pilipinas.
SINO ANG
BAYANI? IBA’T IBANG KAHULUGAN AT PAMANTAYAN NG KABAYANIHAN
Ang bayani ay dangal ng bayan. Mapalad ang bayan
na marami ang bayani na maaaring ipagmalaki. Napupulutan ng mabubuting aral at tumatayong
huwaran ang buhay ng mga bayani. Isang katangian ng Pilipinas ay ang
pagkakaroon ng maraming bayani. Mula panahong pananakop Espanyol hanggang sa
kasalukuyan lumawak ang kahulugan at pamantayan ng kabayanihan, patunay na ang
lahat ay maaaring maging bayani.
REPUBLIC ACT No. 8491: THE FLAG AND
HERALDIC CODE OF THE PHILIPPINES
Bawa’t bansa ay may kanya-kanyang sagisag na
nagpapakilala ng kanyang kasarinlan at mga adhikain. Ang Pambansang Watawat at
ang Pambansang Awit ay dalawa sa mga sagisag ng Pilipinas na nagbubuklod sa mga
Pilipino. Pananagutan ng bawa’t Pilipino ang magbigay galang at pagpapahalaga
sa mga ito. Nakapaloob sa R.A. 8491, The
Flag and Heraldic Code of the Philippines, ang mga batayang-pamantayan sa
wastong gamit ng mga pambansang sagisag.