JOINING THE PHILIPPINE HISTORICAL ASSOCIATION

Join the Philippine Historical Association!
Educators, researchers, cultural heritage workers and other professionals who are interested in the study, teaching and promotion of Philippine history and culture, are welcome to join the PHA.

Wednesday, June 8, 2011

2011 Independence Day Colloquium

Philippine Historical Association
Kalayaan 2011 Technical Working Group
National Historical Commission of the Philippines

2011 Independence Day Colloquium


"Reflections on Nationhood"
June 10, 2011 (Friday); 1:00 pm – 4:00 pm
Multi Media Center, 2nd floor Javier Hall
University of Batangas, Batangas City

National Anthem: University of Batangas Stringers
Invocation: Mr. Bryan Benson Bagos 
Welcome Remarks: Dr. Abegayle Machelle Perez- Chua, Vice President for Academic Affairs, University of Batangas
Opening Remarks: Dr. Evelyn A. Songco, President, Philippine Historical Association

Rizal’s Noli and Fili: Mirror of 19th Century Philippine Economic Conditions
Dr. Celestina P. Boncan (UP Manila)

Ang Konsepto ng Pagkabansa nina Andres Bonifacio at ng Katipunan sa Kapatiran at Kaginhawaan
Prop. Michael Charleston B. Chua (De La Salle University Manila)

Ang Papel ng Kababaihan sa Pagbubuo ng Bayan
Prop. Mary Dorothy dL. Jose (UP Manila)

Bakit inilipat ang pesta ng Araw ng Kalayaan mula Hulyo 4, 1946 tungo sa Hunyo 12, 1898?
Dr. Evelyn A. Miranda (Dating Tagapangulo, UP Departamento ng Kasaysayan)

OPEN FORUM

Celebrating Rizal @ 150
CREATING A “RIZAL CORNER” IN SCHOOLS
Jonathan C. Balsamo (Heroes Square Heritage Corporation)


Closing Remarks: Ms. Quennie Ann Palafox, National Historical Commission of the Philippines
Moderator: Mr. Redentor Rodriguez (Faculty, UB  High School)



RIZAL’S NOLI AND FILI: MIRROR OF 19TH CENTURY PHILIPPINE ECONOMIC CONDITIONS

Celestina P. Boncan, Ph.D.
University of the Philippines Manila
PHA President 2006-2008


A noted Filipino writer once said that Rizal used numerous appellations to the gods and goddesses of Mt. Olympus in describing the characters in the Noli Me Tangere and the El Filibusterismo.[1] Crisostomo Ibarra called Maria Clara as Chloe when he placed on her head a garland of orange leaves and blossoms. As if to denote her hideous countenance, Donya Consolacion was Medusa, a woman monster with wings and snaky hair.  Ibarra himself, for donating a schoolhouse to the town of San Diego, was “a devotee of Minerva” (the goddess of wisdom). According to the author, the allusions from Greek and Roman mythology were no doubt due to Rizal’s classical education.

In his dedication to the Noli and the Fili, Rizal referred to a grave illness --- a disease of so malignant a character that the least touch irritates it and awakens in it the sharpest pains (sakit na mayroong mga mapaminsalang galamay na lumilikha ng malaking kasiraan sa katawan bago pa makaramdam ng sakit ay talamak na sa katawan). And yet, Rizal says, “no one has dared to dissect this disease of society for fear that they would come to trouble” (walang makapangahas na sumalang sa sakit ng lipunan noon dahil sa takot na sila ay mapahamak).

While the Noli and the Fili epitomized Rizal’s social criticism of 19th century Philippines, the two novels reveal in economic terms this disease that the Motherland (Inang Bayan) suffered from. The 19th century saw numerous economic developments that Rizal in particular alluded to in his essay Filipinas dentro de cien aƱos. In fact, these economic changes greatly changed the face of colonial society in the Philippines and exacerbated the “illness” which for centuries before existed into the “cancer” that it had become in the 19th century.

Rizal realistically depicted prevailing economic conditions 19th century Philippines through his portrayals of different characters in the Noli and the Fili as well as the choice of certain selected places from where the different sub-plots take place. Thus, characters like Crisostomo Ibarra, Elias, Capitan Tiago in the Noli and Kabesang Tales, Quiroga and even Mr. Leeds in the Fili denote key economic developments happening in the Philippines in the 19th century.

Through these portrayals Rizal showed the depth of his understanding of the economic travails that the Philippines suffered from and contributed to the “cancer” of his time. This is quite notable in that Rizal wrote much, if not all, of the novels’ chapters while he was away from the Philippines ---- as he was in Europe, steeped in medical studies and travels to various European cities.



ANG KONSEPTO NG PAGKABANSA NINA ANDRES BONIFACIO AT NG KATIPUNAN BATAY SA KAPATIRAN AT KAGINHAWAAN

Michael Charleston “Xiao” Briones Chua
Pamantasang De La Salle Maynila
Pangalawang Pangulo, Philippine Historical Association


                Lumaganap ang stereotype sa mga Katipunero bilang mga bobong masa na nag-alsa ng walang katinuan at ang Katipunan bilang samahan na lumaganap lamang sa mga Tagalog.  Ngunit kung titingnan ang literatura na nagmula at tinangkilik sa Katipunan huhubaran nito ang ideyang bobo sina Bonifacio at ang kanyang mga rebolusyunaryo sapagkat ang sinasalamin ng mga akda ay ang malalim nilang pagkaugat sa kalinangan at nakaraan at malinaw na konsepto ng inaadhikang bansa na nakabatay sa Sanduguan at Kapatiran.  Ang kanilang ideya ng bansa ay nag-uugat sa dalumat o konsepto ng Inang Bayan, kung saan ang lahat ay magkakapatid sa pag-ibig sa bayan (Anak ng Bayan).  Habang ang tunay na kalayaan ay kaginhawaan, at ang batis ng kaginhawaan ay ang matuwid na kaluluwa ng mga anak ng bayan.  Samakatuwid mahalaga sa mga rebolusyunaryo ang maganda/matuwid/dalisay na kaluluwa na naiingatan sa pamamagitan ng anting-anting at naipapamalas sa pamamagitan ng magandang asal.  Ibig sabihin, hindi sapat ang pulitikal na kasarinlan lamang, kailangan ng kagandahang asal ng bawat isang kapatid.  Makikita ito sa Kartilya na maituturing na Saligang Batas ng Katipunan, na may ugat sa mga sinaunang kasabihan na tumutukoy sa marangal na pamumuhay.  Ang lahat ng ito tungo sa inaadhikang tunay na kalayaan na nagsisimula sa kaginhawaan at kagandahang asal.



ANG PAPEL NG KABABAIHAN SA PAGBUBUO NG BAYAN

Prop. Mary Dorothy dL. Jose
University of the Philippines Manila
Kasapi, Lupon ng Philippine Historical Association


Kadalasang binibigyang-pugay natin sina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Apolinario Mabini at Emilio Jacinto bilang tagapagsimula ng  konsepto ng pagbubuo ng bayan. Mula sa kanilang mga akda ay mababanaag natin ang kanilang konsepto ng bayan/nasyong nais maitatag na bagamat may pagkakaiba sa paniniwala, layunin at pamamaraan ay iisa ang direksyong tinatahak---ang pagtatatag ng bayan/nasyon.

Sa kaabalahan nating maparangalan ang mga tagapagtaguyod ng bayan/nasyon sa ika-19 na dantaon, naisasantabi natin ang iba pang grupo ng taong masasabing nagpamalas din ng sariling uri ng nasyonalismo (o proto-nasyonalismo) sa kanilang mga pag-aalsa o mga isinulat na akda. Halimbawa ay sina Hermano Puli at ang kanyang Cofradia de San Jose, si Diego Silang at ang kanyang pag-aalsa sa Ilocos, si Dagohoy at ang kanyang pag-aalsa sa Bohol, si Francisco Baltazar at ang kanyang Florante at Laura, at marami pang iba.

Gayundin, hindi gaanong nabibigyang-pansin ang isang sektor ng lipunang may ginampanan ding mahalagang papel sa pakikibaka para sa bayan---ang kababaihan. Kadalasang ang pinakakikila lamang ng mga mag-aaral na babaeng lumahok sa Katipunan ay si Melchora Aquino o Tandang Sora. Subalit ang kinakatawan ni Tandang Sora ay isa lamang sa samu’t saring papel na ginampanan ng kababaihan sa Katipunan. Kung kilala man natin sina Teresa Magbanua, Trinidad Tecson at Agueda Kahabagan bilang magigiting na Katipunera, ito ay sa kadahilanang “kumilos silang parang lalaki” sa pamamagitan ng paglahok sa aktwal na labanan. Sa ganitong tradisyunal at limitadong batayan ng kabayanihan, hindi nabibigyan ng sapat na pagkilala ang mga kababaihang sa kani-kanilang pamamaraan ay may ginampanang tungkulin sa pakikipaglaban para sa bayan, at sa pakikilahok sa pagbubuo ng bayan. Layunin ng papel na ito kilalanin ang bahagi ng kababaihan sa napakahalagang yugtong ito ng ating kasaysayan.



“BAKIT INILIPAT ANG PETSA NG KALAYAAN MULA HULYO 4, 1946 TUNGO HUNYO 12, 1898?”
Evelyn A. Miranda, Ph.D.
Propesor ng Kasaysayan (Ret.), UP Diliman
Dating Pangulo, Philippine Historical Association


Bakit Hunyo 12, 1898  ang napiling petsa? Sa papel na ito tatalakayin ang mga dahilan o argumento kung bakit ang petsang Hunyo 12, 1898 ang itinakdang petsa ng Araw ng Kalayaan. Sang-ayon sa isang historyador, mayroong limang proklamasyon ng kalayaan ang Pilipinas. Una, ang proklamasyon na ginawa ni Andres Bonifacio at kanyang mga kasama sa kweba ng Pamitinan, Montalban, Lalawigan ng Rizal noong Good Friday o Biyernes Santo, Abril 1895.  Ang sumunod na proklamasyon ay ang Sigaw sa Balintawak noong Agosto 23, 1896. Si Bonifacio at ang kanyang mga kapwa Katipunero ay pinunit ang kanilang mga cedula at pagkatapos ay sumigaw ng “Mabuhay ang kalayaan ng Pilipinas!” Ang ikatlo ay ang Oktubre 1896 manipesto ni Emilio Aguinaldo na kung saan hinikayat niya ang mga Filipino na lumaban tungo sa pagkakamit ng kalayaan. Ang ikaapat ay ginawa rin sa ilalim ng pamumuno ni Aguinaldo noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit. Ang ikalima ay ang Oktubre 14, 1943 Proklamasyon. Pinahayag ni Jose P. Laurel ang kalayaan ng Pilipinas sa ilalim ng pamamahala ng mga Hapon.



[1] Armando J. Malay. “Mythology in Rizal’s Novels” in Historical Bulletin Vol. V, December 1961, Nos. 1-4