Noong 6 Abril 2010, sa “Balik-tanaw sa Kagitingan,” ang opisyal na paggunita ng Kampo Aguinaldo sa Araw ng Kagitingan na ginanap sa AFP Museum, inilunsad din ang bagong aklat ni Dr. Cesar Pobre na “The Freedom Fighters of Northern Luzon: An Untold Story” na isinulat niya kasama si Phillip Kimpo, Jr. Ang paglulunsad ay dinaluhan ni USec Ernesto Carolina ng Department of National Defense, ni Dekana Santos, Dr. Vivar, G. Chua at G. Balsamo kasama ang mga beterano at iba pang mga bisita. Ang aklat ay nagsasalaysay ng tila nakaligtaan nang tagumpay ng mga bayaning Pilipino sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Cordillera (MCBC).