JOINING THE PHILIPPINE HISTORICAL ASSOCIATION

Join the Philippine Historical Association!
Educators, researchers, cultural heritage workers and other professionals who are interested in the study, teaching and promotion of Philippine history and culture, are welcome to join the PHA.

Monday, February 7, 2011

Mga Pag-Alalang Pangkasaysayan, Dinaluhan ng Lupon ng PHA

Isang mahalagang gawain ng lupon ng Philippine Historical Association sa buong taon ay ang pakikilahok sa mga paggunita sa mga makasaysayang pangyayari na isinasagawa ng mga ahensya ng pamahalaan tulad ng National Historical Commission of the Philippines at ng Military Shrines Office ng Department of National Defense.

Noong 30 Disyembre 2009, ang pagtataas ng watawat sa Parke Rizal bilang paggunita ng ika-113 na anibersaryo ng pagkamartir ni Gat Dr. José Rizal at lektura ng kagawad ng lupon ng NHI (ngayo’y NHCP) José David Lapuz ay dinaluhan nina Dr. Songco, G. Chua at Bb. Espeña.

Noong 17 Pebrero 2010, nag-alay si Dr. Boncan ng bulaklak sa ngalan ng PHA bilang pag-alala sa ika-138 na anibersaryo ng pagkamartir ng mga paring sina Gomez, Burgos at Zamora sa Parke Rizal.  Dinaluhan din ito nina NHCP Chair Ocampo, Dr. Muhi, at G. Chua.

Noong 6 Abril 2010, sa “Balik-tanaw sa Kagitingan,” ang opisyal na paggunita ng Kampo Aguinaldo sa Araw ng Kagitingan, ay dinaluhan nina Dekana Santos, Dr. Vivar, Dr. Pobre, G. Chua at G. Balsamo.

Noong 9 Abril 2010, ang pambansang paggunita sa Araw ng Kagitingan sa Bundok Samat, Bataan, ay sinaksihan nina G. Chua at G. Balsamo.

 Noong 5 Hunyo 2010, sina Dr. Santos, Dr. Vivar, Dr. Miranda, Dr. Evangelista at G. Chua ay nakibahagi sa Centennial Alumni Homecoming and Reunion ng UP Departamento ng Kasaysayan sa lobby ng Bulwagang Palma, UP Diliman.  Ang silver jubilarian sa reunion na iyon ay si Dr. Milagros C. Guerrero, dating pangulo ng PHA.

Noong 12 Hunyo 2010, ang pambansang pagtataas ng watawat sa Parke Rizal ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo para sa ika-112 anibersaryo ng Araw ng Kasarinlan ay sinaksihan nina Dr. Songco, Dr. Boncan, Dr. Muhi, Chairman Ocampo, G. Chua at G. Balsamo.

Noong 30 Hunyo 2010, sa inagurasyon ng Pang. Benigno Simeon Aquino III sa Quirino Grandstand, kung saan kasama sa mga nangasiwa ng pasinaya si Chairman Ocampo ng NHCP, dumalo rin si G. Chua.

Noong 29 Agosto 2010, sa pambansang paggunita sa Araw ng mga Bayani sa Libingan ng mga Bayani, Fort Bonifacio, Taguig, naroon sina Dr. Songco, Chairman Ocampo, G. Chua, at G. Balsamo

Noong Disyembre 30, 2010, sa paggunita ng ika-114 anibersaryo ng kabayanihan ni Riza, dumalo bilang kinatawan ng PHA sina Dr. Songco, Dr. Boncan, at G. Balsamo. Si G. Chua ang nagbigay ng anotasyon sa  live coverage ng NBN Channel 4. (MCBC).