Isang serye ng lektura na pinamagatang “History Comes Alive” ang isinagawa ni Dr. Ambeth Ocampo ng NHCP bilang bahagi ng programang pang-edukasyon ng Ayala Museum. Nagtipon ang marami upang makinig sa ibang anggulo sa kasaysayan na tanging si Chairman Ambeth lamang ang makapagbibigay. Ang unang lektura ay noong 26 Hunyo 2010 ukol sa Sinaunang Lipunang Pilipino, “Chastity Covers and Penis Implements;” ang pangalawa naman ay noong 24 Hulyo 2010 ukol sa Digmaang Pilipino-Amerikano, “Thomas Edison’s Funny Films;” at ang pangatlo naman ay noong 14 Agosto 2010 ukol sa Katipunan, “What did Bonifacio Really Shout When he Tore the Cedula? The Philippine Revolution Revisited.” Ang huling lektura ng serye ay ginanap noong18 Setyembre tungkol sa Kongreso ng Malolos, “What did the Founding Fathers Eat? The Malolos Congress Revisited” na dinaluhan ng mga delegado ng taunang Kumperensya ng PHA (MCBC).