JOINING THE PHILIPPINE HISTORICAL ASSOCIATION

Join the Philippine Historical Association!
Educators, researchers, cultural heritage workers and other professionals who are interested in the study, teaching and promotion of Philippine history and culture, are welcome to join the PHA.

Monday, February 7, 2011

Paglulunsad ng SIGLO, Ang Kasaysayan ng PGH

Inilunsad ng University of the Philippines Press ang aklat na SIGLO: A Hundred Years of the Philippine General Hospital in the Service of the Filipino People noong Hulyo 23, 2010 sa Balay Kalinaw, Unibersidad ng Pilipinas Diliman, Quezon City. 

Ang akdang ito ay kasamang pinamatnugutan ni Prop. Jerome Ong kabilang pa ang ilang mga duktor mula sa PGH na sina Dr. Jose Luis Danguilan, Dr. Rafael Bundoc, at Dr. Phillip Aristotle Hermida.  Nakatuon ang aklat na ito sa isandaang taong kasaysayan ng PGH mula sa pagkakatatag nito noong 1907 hanggang 2007.  

Kabilang sa artikulo ni Prop. Jerome Ong na kalakip din sa akdang ito ay ang The Filipino Doctors at the Helm (1916-1941).  Ang SIGLO ay binubuo ng sampung kabanatang tumatalakay sa patuloy na paglilingkod ng pagamutan sa sambayanang Pilipino.