JOINING THE PHILIPPINE HISTORICAL ASSOCIATION

Join the Philippine Historical Association!
Educators, researchers, cultural heritage workers and other professionals who are interested in the study, teaching and promotion of Philippine history and culture, are welcome to join the PHA.

Friday, March 25, 2011

Paalam, Dean Gloria Martinez-Santos (1922-2011)




DEAN GLORIA MARTINEZ-SANTOS
Ina ng Kasaysayan
1922-2011

Ang Philippine Historical Association ay lubos na nakikidalamhati sa pamilya ni Dean Gloria Martinez-Santos na pumanaw nitong umaga ng Marso 25, sa edad na 89.

Si Dean Santos ay executive director ng Philippine Historical Association mula pa noong 1980. At naging unang babaeng pangulo ng PHA mula 1971-1972.

Siya ay ibinurol sa Loyola Columbary sa Commonwealth Avenue, Quezon City at inilibing nitong Marso 29 sa Himlayang Pilipino, Tandang Sora, Quezon City.

Nagsagawa ng  necrological service noong  Marso 27(Linggo) ang PHA. Nagbahagi sina Dr. Cesar Pobre, Dr. Pablo Trillana III, Dr. Milagros Guerrero, Dr. Teofista Vivar, Dr. Evelyn Miranda at Jonathan Balsamo ng kanilang pagpapahalaga, karanasan at alaala kay Dean Santos.

Si Prof. Jerome na nagsilbing tagapagdaloy ng programa.

Si Dr. Cesar Pobre, matalik na kaibigan at kasama ni Dean Santos sa PHA.

Naging emosyonal si Atty. Pablo Trillana III sa pag-alala kay Dean Santos na itinuring niyang parang sariling ina.

 Dr. Teofista L. Vivar, malapit na kaibigan at laging kasa-kasama ni Dean Santos.

Pinahalagahan ni Dr. Milagros Guerrero ang papel sa kasaysayan at historiograpiya ni Dean Santos. 

 Ibinahagi ni Dr. Evelyn Miranda ang mga pangyayari sa mga nagdaang buwan na nakasama niya si Dean Santos sa mga gawain ng PHA.







Narito ang ilang mga personal na pahayag at pagpapahalaga ng mga kapamilya ni Dean Santos sa Philippine  Historical Association at sa daigdig ng kasaysayan:



Kuha mula sa huling interview kay Dean Santos para sa dokumentaryo ukol sa mga beterano ng World War II ni Xiao Chua (March 1, 2011)




END OF AN ERA: Dean Gloria Martinez Santos

The Grand Old Dame of the PHILIPPINE HISTORICAL ASSOCIATION




March 25, 2011, 7:45 p.m.


Kaninang umaga, 6:30, sumakabilang buhay na si Dekana Gloria Martinez-Santos, Manang Gloria, ang unang babaeng pangulo ng Philippine Historical Association (PHA) mula 1971 hanggang 1972, at mula noong 1980 tinanganan ang posisyon na Executive Director nito. Naging Dekana rin ng St. Mary's College.

Hindi ako makapaniwala nang matanggap ko ang sabay na text message ninaJonathan Capulas Balsamo (PRO, PHA) at Dr. Evelyn Songco (Pangulo, PHA). Sa loob ng mahigit kalahating siglo, naging tagapag-gabay na kamay si Dekana Santos ng PHA. Sa aming pakiramdam, lagi siyang nariyan para sa akin, Gloria Forever kumbaga. Hindi naman siya naratay sa banig ng malubhang karamdaman at napakalakas pa niya at aktibo sa aming mga pulong kaya bagama't hinog na sa panahon, hindi pa rin inaasahan ang kanyang pagpanaw.

Hindi ako karapat-dapat na magsakita ukol sa buong karera ni Dekana Santos. Mahigit dalawang taon ko pa lamang nakikilala si Manang Glo bilang kasapi ng lupon ng PHA. Pero ang dalawang taon na ito ay puno ng paghanga at pagmamahal sa kanya.

Hindi talaga siya historyador noon. Guro siya ng Home Economics. Pero lumakad siya kasama ng mga bayani, historyador at mga prominenteng tao, naranasan ang panguluhan mula kay Quezon hanggang kay Noynoy Aquino, at nakilala rin ang Pang. Emilio Aguinaldo. Naabutan ang panahon ng mga Amerikano, panahon ng Komenwelt, panahon ng Batas Militar at People Power. Nagmalasakit sa kasaysayan ng bayan at naging guro at tagapagtaguyod nito, isang Historyador Ng Bayan hanggang sa kanyang huling hininga.

Si Manang Glo ang aming link ng mga mas nakababatang lupon sa Gintong Panahon ng PHA. Ang kanyang mga kwentong karanasan sa bawat pulong ng lupon ay balon ng aral na aming nagagamit sa pagpapasya.

Ngunit sa kabila ng pagiging bahagi ng "Old Guard," si Dekana Santos na inaasahang maging tradisyunal, ay mas bukas sa mga bagong ideya ng mga kabataan sa Philippine Historical Association.

Napakalambing ni Manang Glo, pero malakas din na pwersa sa paghubog ng PHA. May ngiti at pakiusap ng anghel ngunit may asero ring dungan (will). Lubos din siyang maunawain. Ang kanyang pagpanaw ay katapusan ng isang panahon para sa PHA.

Higit sa lahat, lagi niyang itinuturo sa amin, sa bawat pagkakataon, ang lubos na pananalig at debosyon sa ating Panginoong Diyos bilang simula ng pagmamahal sa bayan at sa kapwa. Idolo niya si Venerable Madre Ignacia del Espiritu Santo, ang babaeng unang nagtaguyod para sa pagmamadre ng mga india. Isinabuhay niya ang buhay ng paglilingkod ng banal na babae bilang isang babaeng babaylan ng kasaysayan.

Nagpapasalamat kami sa Panginoon sa mahabang buhay ng paglilingkod sa bayan ni Manang Glo. Nagpapasalamat din kami na sumakabilang-buhay siya na nakita na ang kasapian ng PHA ay lalong dumarami, ang partisipasyon nito sa lipunan ay unti-unting nadarama. Tatandaan namin sa kasalukuyang lupon na ang pinakamagandang pagpupugay kanya ay ang patuloy na magpasya para sa mas ikalalakas ng PHA bilang pwersa sa pagpapaunlad ng bayan.

Huli ko siyang makita sa makasaysayang Unibersidad ng Santo Tomas para sa aming panayam ukol sa digmaan noong 1 Marso lamang. Ito na pala ang huli niyang panayam. Dahil sa kanyang kababaang-loob na tulad ni Madre Ignacia, may isa siyang lihim na ayaw sabihin. Ngunit ngayong wala na siya ang lihim na ito ay nararapat lamang malaman ng lahat.

Siya ay sumakabilang buhay kaninang umaga sa Veterans Memorial Medical Center, kung saan din namayapa ang maraming mga bayani ng bayan. Tila nararapat lamang ito, sapagkat matagal na inilihim ni Dekana Santos ang isang papel niya sa kasaysayan na kinumpirma naman ni Dr. Ricardo Trota Jose, isang eksperto ng panahon ng digmaan, na si Manang Glo ay nanilbihan sa bayan bilang bahagi ng intelligence para sa mga mapagpalaya ng bayan laban sa mga mananakop noong World War II.

"Manang , hindi ka lang po pala bayani ng kasaysayan, bayani pa kayo ng bayan. Tumulong kayo para mapalaya kami. Salamat po... Masaya ako na nakasama ko kayo at nakatrabaho kahit man lang sa huling dalawang taon ng inyong buhay...

"Kaya naman malungkot kami ngayon at nangungulila dahil iniwan niyo na kami. Pero ang marka niyo po sa PHA ay hindi na mawawala hanggang may PHA...

"Gloria Forever!

"Nasa gloria na po kayo, tatamasain niyo na ang ligayang dulot ng inyong pananampalataya sa Diyos at sa bayan"








Mahal ko si Dean Santos

Jonathan C. Balsamo
March 26, 2011  2:46 a.m.
Nagtataka ako, mabigat at hindi maganda ang aking pakiramdam paggising ko kaninang umaga. Sa katunayan, napaisip na akong lumiban sa pagpasok sa opisina sa Intramuros. Mayroon palang darating na hindi magandang balita.

Mga alas tres ng hapon, nakatanggap ako ng text mula kay Gng. Estelita Llanita, chair ng social studies sa La Salle Greenhills at may mga kakilala  sa St. Mary’s College of Quezon City kung saan nagsilbing guro at dean si Dr. Santos sa mahabang panahon. Ang balita: pumanaw na raw si Dean Santos noong umaga.

Tumawag agad ako sa bahay nila Dean upang tiyakin ang balita. Kumpirmado. Nakausap ko si Grace ang kasama sa bahay nila Dean na nag-aasikaso sa kanya. Sa burol, nakausap ko ang apo na si Malu at atake raw sa puso ang dahilan ng pagpanaw ng kanyang lola.

Pagkakumpirma sa balita, tinext at tinawagan ko agad-agad ang mga officers ng Philippine Historical Association, maging sa facebook at email upang maipabatid sa mga taong nakasama, kaibigan at nagmamahal kay Dean ang balita, na nasa probinsiya at ibang bansa.
Nagkasundo kami ni Dr. Evelyn Miranda na pupunta sa burol, bilang kapamilya ni Dean sa PHA. Tinawagan ko rin si Dr. Serafin Quiason at nagdesisyon kaming dadalaw na sa gabing iyon. Ganoon din si Dr. Zeus Salazar. Tatlong historyador ang nakasama ko sa pagdalaw kay Dean Santos sa unang gabi ng kanyang burol, upang magpugay sa alaala ng isang historyador na labis na minahal ang disiplina ng kasaysayan. Habang nasa daan naman ay nakatanggap ako ng tawag mula pa sa Estados Unidos, si Dr. Nap Casambre na nagbibilin ng kanyang pakikiramay para sa pamilya ni Dean Santos. Naroon ang lungkot sa pagpanaw ng isang kasamahan at kaibigan.

Mahal ko si Dean. Sa publiko, sa mga programa ng PHA tuwing siya ay magbibigay ng opening remarks at alam niyang ako ang nagtrabaho ng gawaing iyon, lagi niya akong pinupuri. Parang lagi siyang nagpapalakas sa akin, at tuwang-tuwa naman ako. Pero pag kaming dalawa lang, pinapangaralan niya ako at binibigyan ng magagandang payo sa buhay. Noong umalis ako sa Ateneo, naku, talagang pinagsabihan niya ako ukol sa paglipat-lipat ng paaralang pinagtuturuan. Alam ko, dama ko, mahal niya ako.

Tuwing babalikan ko ang mga alaala ko kay Dean Santos, napapangiti at natatawa ako. Grabe siya humirit. Nakakamiss ang kanyang pagkakalog at mga pagpapatawa.  Mga matatalino, makukuiit at malalambing na hirit. :)


Late last year, napanaginipan ko siyang nakaburol. Tinext ko agad si Mam Cely Boncan at sinabi ito sa kanya. Sabi niya, wag naman sana muna. Kaya nitong Enero, dinalaw ko si Dean sa kaniyang bahay at halos buong araw akong nakipagkuwentuhan, nakikain at nang-interview. Game na game naman siya sa pagpapa-interview. :)





Dumating nga ang annual meeting ng PHA nitong Enero at si Dean Santos din ang aming naging gabay sa pagsasaayos sa ilang mga bagay-bagay. Makabuluhan ang mga payo ni Dean sa amin. Makikita mong may wisdom. Kaya ako mismo, marami akong nalaman at natutuhan sa kanya: mula sa mga maliliit na tsismis at isyu hanggang sa mga malalaking plano at pangarap para sa PHA, sa disiplina ng kasaysayan at sa bayan.

Icon ng PHA si Dean Santos. Isa siyang institusyon. Kaya isang malaking kawalan ang kanyang pagyao. Malaki ang paghihirap ni Dean upang mapanatili ang kaayusan at pagpapatuloy ng PHA sa loob ng maraming taon, sa loob ng mahabang panahon.


Madaldal si Dean Santos. Hyper sa pagkukuwento at laging mataas ang energy. Pero makinig ka lang at sigurado marami kang matututuhan.

Madaling kausapin at lapitan. Malambing. Masayahin at hindi mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa. Maunawain at maaalalahanin. Maka-Diyos at makabayan.

‘Yan si Dean Gloria M. Santos. Ang aming mapagmahal na “Ina sa Kasaysayan”.

Dean Santos, mahal kita. Mahal na mahal ka namin.

Salamat sa Dakilang Manlilikha sa buhay na ipinagkaloob sa iyo na nagsilbing daluyan ng biyaya sa aming buhay.


Huling larawan ni Dean Santos kasam ang board ng Philippine Historical Association 
[PHA Annual Meeting, UST Manila, Jan. 30, 2011)




She Walked with Heroes
by Oscar L. Evangelista

I used to kid her whenever she started naming big wigs she met.  She was a great story teller and regaled us with stories of her encounters with the sikats and the not-so-sikats.  She has received many accolades from the high and mighty as well as from the downtrodden and the poor. 

I met Manang Glo in the 80's, an association which lasted thru January this year at the general meeting of the PHA.  She holds the distinction of having served the PHA since its founding 55 years ago in various capacities but as long time executive director.  She saw the PHA in its years of glory and in years when the association was down and out.  She kept the PHA going by making use of her connection with St. Mary's College where we held our meetings and conferences for free. 

For me she was a mother figure who never failed to ask how Susan and the children were doing.  She was so proud to describe our home in Puerto Princesa as the house with 7 gables, although she never really saw our home.  When her family was still living in Veterans Memorial Compound, she gave me a white cattleya which I brought to our home.  Every year it bloomed so beautifully, a reminder of awe and love for Manang Glo.  This year it didn't bloom -- was it a foreboding that she was going to leave this world?

I thank the Fernandez family, whom she was so proud of, especially her three apos, for sharing Manang Glo with us for many years.   We loved her too. 

She walked with heroes -- now she walks with God.   Thank you.

27 March 2011
Puerto Princesa City, Palawan





Camp Aguinaldo, April 2010

GSIS Pasay City, September 2010
Camp Aguinaldo, 2010

She was a mother figure
 Napoleon Casambre


I came to know Manang Glo for the first time when I became a member of the PHA and attended its inauguration at Malacanang fifty-five years ago. Since then we saw each other every now and then during meetings, conferences, seminar-workshops sponsored by the PHA. The last time I saw her was during lunch in December, 2009. 

What impressed me most about Manang Glo was her deep religiousity. She prayed the rosary more often than. I remember our out-town-trips to conduct PHA seminar-workshops or conferences and while on the road, she would request us to pray the rosary in the car. I also recall the time when we went to Urdaneta, Pangasinan, to hold a seminar-workshop. After the affair, though it was a little late in the afternoon, she requested that we proceed to Manaoag to visit the shrine of the miraculous Virgin Mary of Manaoag which we did. She was one person I know who truly believed in the power of prayers.

Yes, she was a mother figure. Knowing that I'm a single parent, she would asked me every time I saw her how are my children. At one time, she told me that she had a "soft heart" for me. And when I asked her why, she replied that I'm from Pangasinan like her son-in-law, Gil Fernandez, who is so "mabait." And added" I think all Pangasinan husbands are loving and compassionate." I didn't say anything, but at the back of my head, I thought that she was alluding to my being a single parent, raising four children. 

Did you know that Manang Glo couldn't eat lunch or dinner without patis? She said this to our group one time when we dined in one of the restaurants. And, according to her, the reason was because she grew up in Malabon.

Good-bye Manang Glo! May you have eternal peace in Heaven!

March 28, 2011
United States of America





Isang Pagpupugay sa Aming Mahal na Ina

Jerome A. Ong



Alas-singko ng umaga, noong ika-25 ng Marso, nang dahil sa tinatapos na papel para sa isang klase sa doktorado ay naisipan ko nang magpahinga at matulog.  Alas-otso ng umaga, mula sa sandaling pagkakatulog ay nagising at unang hinawakan ang aking celphone.  May nakitang isang nakarehistrong ‘missed call’: Dean Gloria Santos, 7:33 am.

Tiyak na marami sa atin ang mangungulila dahil sa pagpanaw ng isa sa mga pinakamamahal na historyador ng ating panahon, at lalo sa aming mga kabataang nabibilang sa PHA.  Sa bawat pagpupulong ay naroroon ang kanyang di-matatawarang katapatan at pagmamahal sa aming samahan – ang kanyang mga aral at payo ang siyang gumagabay sa amin upang makabuo ng mga mahuhusay na desisyon para sa ikabubuti ng lahat.  Walang dudang mangungulila kami sa pagkawala ng aming pinakamamahal na ina…

Una kong nakikilala si Dean Santos noong 2005 sa aking paglahok sa PHA.  Napakamasayahing tao, napakaraming salaysay – ukol sa buhay at sa kasaysayan.  Sa isang paglalakbay, hindi ko malilimutan ang kanyang mga kuwento ukol sa mga kontrobersyal na aspeto ng mga buhay nila Pangulong Roxas, Quezon, at iba pang mga personalidad sa kasaysayan na para bang kahapon lang nangyari ang lahat.  At tunay ngang hindi nauubusan ng kuwento si Dean – hangga’t hindi mo siya pipigilan o kukunin ang mic mula sa kanya – at heto ang isang bagay na mami-miss ko sa kanyang pagkawala.  Mami-miss ko rin ang ipagtimpla siya ng kape at ipaglagay ng pagkain sa kanyang pinggan.  Sa isang pagkikita, nabanggit n’yang minsan: ‘Hoy Jerome, napanaginipan kita, pinapagalitan daw kita’.  At lagi n’yang biro sa mga kasamahan: ‘Si Jerome, p’wede ng mag-asawa, may bahay na sa probinsya’.  Sa isang pagpupulong, sa unang pagkakataon ay kanyang pinapurihan ang ginawa kong katitikan dahil mahusay daw ang pagkakasulat nito at ‘walang mali’ ni isa.  Ito ang mga simpleng bagay na nagpapataba sa iyong puso – at hindi siya nagkulang sa bagay na ito.  

Alas-kuwatro ng hapon, noong ika-25 ng Marso, habang bumibiyahe patungong Diliman, aking nalaman mula kay Jonathan na pumanaw na pala si Dean Santos n’ung araw ding ‘yon. ‘Anong oras?’, ang tanong ko.  Ang sagot niya: ‘Mga 6:30 ng umaga’.

Dean Gloria Santos, aming ina, maraming salamat sa lahat ng mga alaala.  Hanggang sa susunod po na pagkikita Ma’am…

March 30, 2011 (11:35am)
UP Manila








"isang babaylan ng kasaysayan ang humimlay"
Michael Charleston B. Chua
Marso 29, 2011

I
Noong Sabado, mula sa aking pagsasalita sa isang kamping ng Rotaract sa mga kabundukan ng Antipolo, dumiretso na ako agad kahit ako ay naka-shorts lang sa burol ni Dean Santos sa Loyola Chapels Commonwealth. Nakilala ko ang kanyang anak, apo at kasambahay. Ayaw niya raw na ipakita sa ibang tao na nahihirapan na siya. Nananalangin na raw siya noon, "Lord, huwag niyo na po ako pahirapan." Siya ay sumakabilang-buhay ng mapayapa at kitang-kita ito sa kanyang mukha.

Ako ay may komitment na tour kaya hindi ako nakapunta sa necrological service ng Philippine Historical Association para sa kanya kahapon, Linggo. Ako rin nama'y kulang sa salapi. Nang sinamahan ko siya sa taxi sa pulong ng PHA noong Enero sa huling pagkakataon at sinasabi ko na patawad kailangan kong umalis agad sa pulong dahil ang Dekano ng aking kolehiyo sa DLSU ay nais akong mag-tour ng mga estudyante mula sa Baylor University. Sabi niya, hindi ko raw kailangang humingi ng tawad, karangalan daw ang ibinigay sa akin at siya mismo ay papaalisin ako sa pulong upang tuparin ang aking komitment dahil magagamit ko raw ito sa aking karera.

Kaya itinuloy ko ang aking mga gawain dahil alam kong iyon ang nais ni Dean Santos para sa akin.

II

Sa tuwing may pagkakaton, sinasamahan ko sa pagpunta sa pagpupulong ng lupon sina Dean Santos, Dr, Vivar at Dr. Miranda sa taxi. Magkikita-kita kami sa Jollibee Philcoa at ako ang nagsisilbing gabay nila sa mga lugar na pupuntahan. Lagi nila akong nililibre sa taxi at ikinararangal ko na gawin ito para sa kanila. 

Sa huling pagsama ko sa kanila noong Enero, isinakay ko si Dekana sa sasakyan at binuhat kaunti, biniro ko siya, "Dean, ang ganda pa rin ng legs niyo ano!" Ang legs ang pinakamatagal tumanda sa isang tao. Makikita na ang kinis nito. Maganda si Dekana marahil noong kanyang kabataan. At sa kanyang kabaong, bumata siya ng napakaraming taon, namatay siya ng mapayapa.

Sa mga pagsakay na ito sa mga taxi, ikinukuwento niya madalas ang kanyang anak, manugang at mga apo na mahal na mahal niya.

Si Dekana Santos ay isang mabuting ina, hindi lang sa kanyang sariling pamilya (sa wakas akin silang nakilala noong Sabado) na lagi niyang kinukuwento sa amin kundi sa Philippine Historical Associastion. Ibinigay niya ang lahat para dito sa loob ng kalahating siglo.

Kahit hindi ako Katoliko, nagkakasundo kami ni Dekana Santos sa isang bagay: ang pagpapahalaga sa mga istampita ng mga santo. Ikinuha ko si Dekana Santos ng larawan ng aking paboritong si Padre Pio na may bahagi ng tela na ipinunas sa gwantes ng banal na pari na nakalimutan kong ibigay sa kanya noong 1 Marso 2011, sa aking panayam sa UST. Ito na pala ang huli naming pagkikita. Ang laking panghihinayang ko.

Noong Sabado, ibinigay ko ito sa anak ni Dekana Santos, nilagyan ko ito ng dedikasyon at,pinalagay naman niya ito sa akin sa ibabaw ng kabaong ng Dekana at nanatili doon sa buong panahon ng burol!

Ang huling misa ay pinangunahan ng paring kapatid ni Dekana Santos at binigyang buhay ng pag-awit ng Veteran's Choir. Naroon kami sa PHA na kinatawan ko kasama sina Dr. Evelyn Miranda, Dr. Teofista Vivar, Dr. Estrelita Muhi, at Gng. Emelita Almosara ng National Historical Commission of the Philippines. Nagpamigay ako ng mga papel at nang may maiuwi naman ang mga bisita at malaman nila ang totoong halaga ni Dekana Santos mula sa lupon ng PHA, mula sa inyong lingkod, Jonathan Balsamo, Dr. Oscar Evangelista at Dr. Napoleon Casambre.

Sa paglilibing sa Himlayang Pilipino, kung saan din nakahimlay ang bayaning si Melchora Aquino, isang babaylan ng kasaysayan ang humimlay. Nang buksan ang ataul at nang halikan sa huling pagkakataon ng anak ng Dekana ang ina, inilagay niya malapit sa kamay ng historyador na si Gloria Martinez Santos ang larawan at tela ni Padre Pio na aking ibinigay. Pinigilan kong bumagsak ang aking luha. Ang regalong aking hindi naibigay sa Dekana na alam kong ikatutuwa niya sana ay makakapiling niya sa kapayapaan ng libingan.

Lumuluha sina Dr. Miranda at Dr. Vivar matapos ilagay ang bulaklak sa libingan at sinabi ko sa kanila, "Kulang na po tayo ng isa." Nasabi ni Dr. Vivar, "...and then there were three."

Hindi na magiging tulad ng dati ang susunod naming pagsakay sa taxi tungo sa mga pagpupulong.

Paalam mahal naming Dean Santos, Manang Glo, isang historyador, isang ina, isang Pilipino.

P.S. Ngayong gabi, nag-uusap kami ni Jonathan Balsamo, ngayon lang namin nadama sa pagkahimlay ni Dean na wala na talaga siya at ang laking void ang iniwan niya sa amin. Hindi namin sasayangin ang ipinundar niya para sa PHA!






Panoorin ang huling panayam kay Dean Gloria M. Santos noong March 1, 2011 sa UST para sa dokumentaryo ni Michael Charleston B. Chua ukol sa kabayanihang Pilipino noong panahon ng Hapon:



Saturday, March 5, 2011

JOINING THE PHILIPPINE HISTORICAL ASSOCIATION

Historians, educators, researchers, cultural heritage workers, graduate students of history and related disciplines and other professionals who are involved or interested in doing serious study, research and teaching of Philippine history and culture are welcome to join the Philippine Historical Association.

Annual membership fee is Php350.00 and Lifetime membership fee is Php 2,500.00.  Application/renewal of membership is usually done during the Annual Conference held every September or during the General Assembly held once every two years. PHA also accepts membership application during its regional seminars or special events.

Interested individuals can download here the PHA MEMBERSHIP FORM and email the accomplished form to Mr. Jonathan C. Balsamo at jobal_kasaysayan@yahoo.com together with the bank deposit slip as proof of payment. Payment can be deposited through cash or check deposit to any branch of BANCO DE ORO (BDO) under the account name:  PHILIPPINE HISTORICAL ASSOCIATION with Account No.:  004558003041.  

Upon approval of the application, membership ID and Certificate of Membership will be sent to the applicant through postal mail.  

Boncan lectures on Diosdado Macapagal Presidency


(Left to Right): Mrs. Cielo Macapagal Salgado, Dr. Celestina Boncan, Dr. Cecila Serrano,
Ms. Minda Arevalo, Prof. Erlita Mendoza and Mr. Arturo Macapagal.

DR. CELESTINA P. BONCAN (PHA President 2006-2008) was speaker at the Commemorative Program on the Birth Centenary of His Excellency President Diosdado Macapagal held at the National Historical Commission of the Philippines Auditorium, Ermita, Manila, on September 27, 2010. 

Dr. Boncan’s lecture entitled “The Diosdado Macapagal Presidency: Governance, Legislative Agenda and Foreign Policy” dealt with the thrust of the Macapagal Presidency which was to build the “edifice of the nation,” the various legislation enacted during his term to solve the immediate problems of the present and to build materially and spiritually for the future, and likewise its foreign policy thrust through which the Philippines made its mark in Southeast Asia and the world at large. 

Cielo Macapagal Salgado and Arturo Macapagal, children of the late president, attended the commemorative program.



“The Diosdado Macapagal Presidency:
 Governance, Legislative Agenda and Foreign Policy”

Dr. Celestina P. Boncan
University of the Philippines Manila
Philippine Historical Association

Abstract

On December 30, 1961 the 9th President of the Republic of the Philippines took his oath of office before the Filipino people gathered at the Quirino Grandstand at the Luneta. He was none other than His Excellency Diosdado Pangan Macapagal.

In his inaugural address on that historic day, President Macapagal likened the task of each presidency as building the “edifice of the nation.” Each president is called upon to add a stone to the edifice that will, in the end and in the future, build a strong and enduring structure. As to the “stone” that he was assigned to lay down in that edifice called Greater Philippines, it was, according to President Macapagal, the first, to solve the immediate problems of the present and second, to build materially and spiritually for the future.

The lecture presents the legislation enacted during the Macapagal Presidency in fulfillment of the goals that he laid down in his inaugural address. The paper likewise presents the foreign policy thrust of the Macapagal Presidency through which the Philippines made its mark in Southeast Asia and the world at large.







Wednesday, March 2, 2011

Invitation: Conference on World War II and Filipino Heroism

MULTI-AGENCY TASK FORCE FOR THE
2011 OBSERVANCE OF ARAW NG KAGITINGAN AND PHILIPPINE VETERANS’ WEEK
PHILIPPINE VETERANS AFFAIRS OFFICE and PHILIPPINE HISTORICAL ASSOCIATION


Images of Valor and Victory 2
“A Conference on World War II and Filipino Heroism”
14 March 2011, 8:00 a.m. – 5:00 p.m.
Armed Forces of the Philippines Officers Club (AFPCOC Main Restaurant)
Camp Aguinaldo, Quezon City


Opening Program
National Anthem
Mass Singing
Invocation

DR. TEOFISTA L. VIVAR
Philippine Historical Association

Welcome Remarks and  Introduction of the Keynote Speaker

DR. YOLANDA QUIJANO
Undersecretary, Department of Education      

Keynote Address 
HON. MANUEL L. QUEZON III
Undersecretary, Presidential Communications Development and Strategic Planning Office
Forum Proper
Film Documentary Presentation
“MAPALAD ANG INYONG MGA APO:  Sulat Para Kay Lolo at Lola Beterano”
PROF. MICHAEL CHARLESTON B. CHUA
Vice President, Philippine Historical Association

Women Veterans of WWII:
Magdalena Leones

PROF. EVELYN A. SONGCO, PhD
President, Philippine Historical Association

Capt. Juan Pajota:
Liberation of Cabanatuan POW
COL CESAR P POBRE (RET) PhD, MNSA
President, Philippine History Foundation, Inc.

Lunch Break

Filipinos in the Battle of
Yultong, Korea
COL. GREGORIO R. VIGILAR (RET)
Battle of Pinamaloy, Bukidnon
GEN. RESTITUTO AGUILAR (RET)
Open Forum
Closing Remarks
HON. ERNESTO G. CAROLINA    
Administrator , Philippine Veterans Affairs Office

Master of Ceremonies: MR. JONATHAN C. BALSAMO
(Heroes Square Heritage Corporation)




Registration is free and meals will be provided.
ATTENDANCE MUST BE CONFIRMED with the ARAW NG KAGITINGAN SECRETARIAT at Tel. Nos. : 9114296; 9116001 locals 8326 and 8316 or through email at kagitingansec@yahoo.com on or before MARCH 9, 2011.