JOINING THE PHILIPPINE HISTORICAL ASSOCIATION

Join the Philippine Historical Association!
Educators, researchers, cultural heritage workers and other professionals who are interested in the study, teaching and promotion of Philippine history and culture, are welcome to join the PHA.

Friday, June 3, 2011

DANTE AMBROSIO, Historyador at Ama ng Etnoastronomiyang Pilipino

Dante Lacsamana Ambrosio was  full professor at the Department of History at the University of the Philippines Diliman. He specializes in early history and ethno-astronomy, contemporary history, and the Martial Law Period. He finished his bachelor’s, master’s, and doctoral degrees in History at UP Diliman. He served variously as researcher, textbook reviewer, consultant, translator, editor, lexicographer, critic, and lecturer. He coauthored Kasaysayan ng Filipinas at mga Institusyong Filipino (2003) andKasaysayang Bayan: Sampung Aralin sa Kasaysayang Pilipino (2001). His researches include “Militanteng Kilusang Manggagawa: Sa Ilalim ng Batas Militar Patungo sa EDSA 1 (1972–1986)” (2007), “Surplus Ships, Surplus Engines, Surplus TV: A Social History of Survival in Malabon, Navotas, and Kalookan” (2006), and “Naga, Bakunawa, Laho: Mga Ahas sa Langit ng Pilipinas” (2004)."[Mula sa http://www.traderoots.ph, galing ang larawan sa http://history.upd.edu.ph]

Narito ang pagpapahalaga at pagkilala kay Dr. Ambrosio mula sa kanyang dating estudyante sa UP, Michael Charleston B. Chua:


NASA MGA BITUWIN NA KAYO, SER!

ni XIAO CHUA

DEO OPTIMO MAXIMO: Ihinahabilin namin sa kamay ng pinakadakila at pinakamahusay na Panginoon si Prop. Dante Ambrosio, Ph.D., Historyador Ng Bayan, na isinuko na ang ilang araw na pakikibaka sa karamdaman kaninang 2 AM, 4 Hunyo 2011 sa Philippine Heart Center.

Siya ang AMA NG ETNOASTRONOMIYA, sa kanyang aklat na BALATIK, pinatunayan niya na ang ating kabihasnan ay mayroong mayaman at sariling konsepto ng konstelasyon. Siya rin ay haligi ng KAPANAHONG KASAYSAYAN bilang tagapagturo ng Kasaysayan ng Kontemporanyong Pilipinas sa Wikang Pilipino, at nakibaka para sa bayan mula sa panahon ng kadiliman nito. Bilang paham ng Maka-Pilipinong Kasaysayan, nagturo siya sa UP Departamento ng Kasaysayan, kasapi ng Kapisanang Pangkasaysayan Ng Pilipinas, tagapagtaguyod ng ADHIKA, at kaibigan at tagapayo ng UP Lipunang Pangkasaysayan. Higit sa lahat, masigasig na guro, tapat na kaibigan, mapagmahal sa kapamilya. 

Nabiyayaan niya ako ng kanyang mahahalagang kolekesyon na hindi niya ipinagdamot at dahil mapalad ako na naging estudyante niya, ipinangako ko sa kanyang deathbed noong Martes na anumang ibinigay niya sa akin ay ibabahagi ko sa iba. Sana mas may nagawa pa ako sa inyo kung maykaya lang ako pero sana alam ninyo na lagi kayong nasa isip ko. 
Matagal na ang laban mo Sir Tedans, ***, pahinga ka na.... PAPURI SA DIYOS AT PASASALAMAT SA BUHAY AT PAG-IBIG NA INYONG IBINAHAGI!



Isang masayahing kaibigan at mabuting kasamahan si Sir Dante. Ito naman ang pagpapahalaga sa kanya mula sa isang kaibigang historyador sa Philippine Historical Association, Dr. Celestina P. Boncan:


Paalam, mahal na Dante
Celestina P. Boncan



Mahirap tanggapin ang balita na wala na si Dante.

Una kong nakilala si Dante sa Departamento ng Kasaysayan ng UP Diliman noong 1988 nang ako ay maging bahagi ng kaguruan. Magkatabi kami ng silid sa Faculty Center kung kaya’t siya ang lagi kong kausap. Bagamat halos lahat ng oras namin sa Departamento ay nauuwi lamang sa pang-araw-araw na pagtuturo, mayroon ring pagkakataon na kami’y nagkakausap. Ang mga alaala ko sa mga pag-uusap na iyon ay pawang masaya sapagka’t si Dante ay magiliw kausap, laging nagpapatawa.

Sa labas ng mundo ng pamantasan at buhay pang-akademiko nakilala ko ang iba pang aspeto ng pagkatao ni Dante. Ito ay nang kaming dalawa ay maging kasapi ng Board of Governors ng Philippine Historical Association (PHA).

Si Dante ay matulungin at tunay na ‘gentleman.’ Sa mga out-of-town na seminar na ginagawa ng PHA, laging naka-antabay si Dante upang tumulong magbuhat ng aming mga dala-dalahin bagamat lagi kaming pinaaalalahanan ni Dean Santos na kami ang magbibitbit ng aming mga sariling kagamitan. Ganyan si Dante, ayaw niya kaming nakikitang nahihirapan.

Si Dante ay payak na tao. Noong kami’y nasa Bohol para sa isang seminar, habang kaming mga kababaihan ay abala sa aming kasuotan para sa pagbubukas ng seminar, si Dante ay anyo ng simpleng pananamit at panlasa. Ang piniling kasuotan ni Dante ay isang plantsadong checkered na polo at maong na pantalón --- ika nga ang ‘signature’ na anyo ni Dante sa anumang okasyon.

Si Dante ay mahinahon. Walang masamang tinapay para sa kanya. Malayong siya ang pagsimulan ng alitan. Hindi niya magawang magalit kanino man. At kung mayroong di-pagkakaunawaan, wala siyang pinapanigan. Ang una pa nga niyang gagawin ay pagbatiin ang mga hindi nagkakaunawaan. Ang mahalaga sa kanya’y maibalik ang mabuting ugnayan.

Si Dante ay mahusay na tagapagsalita sa mga seminar. Madali niyang napapanatag ang kalooban ng mga tagapakinig sa mensahe ng kanyang panayam. Ito’y makikita sa mga mata ng mga participants at kanilang magiliw na pagtanggap sa kanyang mga sinasabi. Ito marahil ay dahil sa madaling maintindihan ang kanyang sinasabi at kapani-paniwala siya sa kanyang sinasabi.

Si Dante ay istoryador sa tunay na kahulugan ng salita. Siya’y nagsasaliksik ng datos para sa kanyang mga panayam. Kaaya-aya ang kanyang panayam para sa pagsusulat ng oral at local history, tampok na tema ng serye ‘The Centennial Goes to the Barrios’ ng PHA. Kung susundin ng sinuman ang kanyang mga payong-hakbang, hindi mahirap na makabuo ng isang kapani-paniwalang kasaysayang pampook.

 

Si Dante ay masugid na naniniwala sa kanyang mga prinsipyong pang-kasaysayan. Noong 2006 ang tema ng taunang kumperensya ng PHA ay ang pag-unlad ng mga partidong pulitikal sa Pilipinas. Binigyang-katarungan ni Dante ang bawat salita at pangungusap ng paksa na ibinigay sa kanya --- “Ang Kaliwa sa Sistemang Pampulitika ng Pilipinas.”


Mahirap isipin na nanaig ang karamdaman sa malusog na pangangatawan ni Dante. Sa pisikal na anyo, ang alaala ko kay Dante ay isang malaking tao --- matangkad, mabigat sa timbang. Una kong nakita ang panghina ng katawan ni Dante noong 2008 sa isang kumperensya ng Komisyon ng Wika. Hindi ako makapaniwala sa dami ng ibinagsak  na timbang ni Dante. Payat na siya at halatang mayroong dinadalang karamdaman. Lalo akong nanlumo nang dumating ang balita na lumala ang karamdaman ni Dante at nangangailangan ng operasyon. At heto, ang pinakamasakit na balita, wala na si Dante.

Salamat Dante sa iyong pakikipagkaibigan, sa mga halakhak na nag-ugat sa iyong mga pagpapatawa, sa mga sandali ng kapayapaan at pagmumuni-muni dulot ng iyong malalim na pag-unawa sa buhay.

Paalam, mahal na Dante. 

Si Dr. Dante Ambrosio (sa dulong kaliwa) kasama ang mga kaibigan mula sa Philippine Historical Association at National Historical Commisson sa isang seminar sa Iligan noong 1998. (Larawan mula kay Dr. Boncan)

Tula ni Wensley Reyes, mananalaysay at tulad ni Sir Dante, nagsusulong at nagsusulat ng Kasaysayan sa wikang Filipino:


Alay kay Dr. Dante Ambrosio (1951-2011)

Wensley Reyes

Dinala mo ang lahat sa isang talakayan patungkol sa kabihasnan
At naging saksi kami sa paghahawan mo ng bagong kamulatan
Na ang ating pagka-Pilipino ay mas lalong mauunawaan -
Tanawin at pagnilayan ang kalangitan sa maghapo't magdamag
Esposo ng karunungan ang nagpapahalaga sa kasaysayan at kalinangan!

Aalalayan ka ng buwan at tanikala ng mga bituin
May dagdag na tanglaw ang sambayanan sa gabing madilim
Biyaya ka ng Lumikha at sa Kanya magbabalik
Rurok ng iyong pagkapantas pamana sa susunod na salin-lahi
Obrerong mapagpalaya rin, ikaw na hindi nagapi
Sa bayan na lagi mong pinaglingkuran at binigyang ginhawa
Isang pagpupugay ang iyong naging buhay at pakikibaka
Oyayi ng langit ang sa iyo ngayo'y maghihimbing!

Textbook sa Kasaysayan ng Vibal Publishing House, pinarangalan ng National Book Development Board

Mga nasa larawan: Dr. Dennis T. Gonzales, NBDB Chair; Dr. Celinia Balonso, Dr. Lydia Agno; Dr. Rosita Tadena, Prop. Mary Dorothy dL. Jose (mga may-akda); Glenda Torio at Jenny Fernandez mula sa Vibal Publishing House, Inc.  (Galing larawan sa NBDB)/

Ginawaran ng “National Book Development Board Quality Seal Award” ang Vibal Publishing House, Inc. para sa aklat na “Kultura, Kasaysayan at Kabuhayan 5”  sa ginanap na National Book Development Board Award Ceremonies sa Eastwood Richmonde Hotel sa Eastwood City, Bagumbayan, Quezon City noong Mayo 28, 2011. 

Isa sa mga may-akda ng nanalong aklat ang isa sa mga kasapi ng lupon ng Philippine Historical Association (PHA) na si Prop. Mary Dorothy dL. Jose mula sa University of the Philippines Manila. Kasama niyang sumulat ng aklat ang yumaong si Dr. Grace Estela Mateo (na siya ring tumayong patnugot ng serye kung saan kabilang ang aklat, nagturo din sa UP Manila at naging kasapi rin ng PHA), Dr. Lydia Agno, Dr. Celinia Balonso at Dr. Rosita Tadena mula sa College of Education ng University of the Philippines Diliman.

Ayon sa “citation” para sa nanalong aklat, ito ay isang “textbook na naglalaman ng mga makabuluhang aspekto ng ating kasaysayan na nakasulat sa isang simple at payak na pamamaraan na madaling maunawaan ng isang mag-aaral sa Grade V.” Binigyan din ito ng pagkilala para sa pagtalakay sa mga mga naisasantabing sektor sa lipunan at kasaysayan gaya ng kababaihan at mga grupong etnolingwistiko. Sa kabuuan, pinahalagahan ang aklat sa mga katangian nitong maaaring magbigay-daan upang mas mapukaw ang interes ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng kasaysayan. 

Ang National Book Development Board (NBDB) ay ang tanggapan ng pamahalaan na may tungkuling paunlarin at suportahan ang industriya ng paglalathala ng mga libro sa bansa. Ito ay nilika ng Republic Act 8047 na pinamagatang "Book Publishing Industry Development Act (1995)". 

Boncan lectures on Local History Writing in Dapitan



Dr. Celestina P. Boncan (Photo by Lawrence Charles Salazar of NCCA)


Dr. Celestina P. Boncan, PHA President 2006-2008, joined fellow Execon Members of the National Committee on Historical Research (Sub-Commission on Cultural Heritage) of the National Commission of Culture and the Arts in conducting a Heritage Seminar at the Rizal Shrine in Dapitan City, Province of Zamboanga del Norte on May 27, 2011 as part of the Closing Ceremony of this year’s celebration of Heritage Month. 


The topic of the Heritage Seminar was Local History Writing. Dr. Boncan’s lecture was on Using Archival Sources in Historical Research.

(Photo by Lawrence Charles Salazar of NCCA)
ABSTRACT
Local History Writing Seminar
Closing Program of Heritage Month
27 May 2011 Dapitan City
  

USING ARCHIVAL SOURCES IN HISTORICAL RESEARCH

Celestina P. Boncan, Ph.D.[1]
University of the Philippines Manila


ARCHIVAL SOURCES are historical records most commonly referred to as documents or manuscripts. They are easily distinguishable as they are usually old, transcribed by hand --- using a brush, pen or pencil --- on paper or cloth. They constitute the records of organizations that include trade or business, religious bodies, government agencies and even individual persons. “Archives” refers both to the collection of records and to the place where these records are preserved.

The use of documents is one of the defining methods in historical research. The importance of documents was first introduced by two French scholars Charles Victor Langlois and Charles Seignobos in 1897 in their book “An Introduction to the Study of History” (Introduction aux études historiques) --- “documents are the traces which have been left by the thoughts and actions of men of former times; for want of documents the history of immense periods in the past of humanity is destined to remain forever unknown for there is no substitute for documents.” The two immortalized their contention in the phrase “no documents, no history.” Ever since, this phrase has been the cardinal rule in writing, studying or teaching history.

There are various types of archival documents, each one giving a specific kind of information --- acta  (proceedings); arancel (tariff of goods), bando (circular), decreto (decree), expediente (dossier), factura (receipt), fianza (surety/guarantee/bond), liquidacion (liquidation), mapa (map),  memoria (descriptive account usually of a place), oficio (memorandum), orden (order), pagamento (receipt for payment), plano (plan), pliego de condiciones (bill of specifications), presupuesto (budget estimate), protocolo (notary document), tarifa (tariff), telegrama (telegram), testamento (testament or will).

Archival documents are primary sources, meaning to say, eyewitness testimonies, hence providing information that enrich knowledge of the past and bringing the researcher “nearer” to the subject matter in a number of other ways aside from the written text --- a signature, a logo, the plan of a building or a house, a sketch of a river, prices of common food items. However, using archival documents in historical research also poses certain problems. Reading archival documents is tedious since they are handwritten, most times in a manner that is difficult to read. Because most archival documents are over a hundred years old, they are no longer in the best state or condition --- in some, the ink has faded; in others, some parts have been torn off. Another problem is being unable to comprehend the information offered by archival documents since they are in Spanish, a language which is foreign to many Filipinos.

A quotation from the centennial publication of the National Archives of the Philippines summarizes at best the role of archival documents in research on the Filipino’s past as a people:

These documents reveal generations of societies that lived under an administrative structure that documented births, royal decrees, political situations, crimes, natural disasters, health institutions, schools, business inventions, public works, and almost everything related to the execution of the government’s functions and its people’s responses between the 17th and 19th centuries, and through which not only the known historical events but also the daily lives of the people are uncovered. Their values, however, go beyond their existence or in their having been produced many centuries ago, but because they can serve a purpose today.



[1] Member, Executive Council of the National Committee for Historical Research (NCHR)-NCCA); Past President, Philippine Historical Association, Associate Professor, College of Arts and Sciences, University of the Philippines Manila






National Commission for Culture and the Arts
OFFICERS AND MEMBERS OF THE NATIONAL COMMITTEE ON HISTORICAL RESEARCH EXECUTIVE COUNCIL

HEAD
Dr. Maria Nela Florendo
Sector: Historical Organizations (Philippine National Historical Society)

VICE HEAD
Dr. Francis Gealogo
Sector: Universities/Academic Institutions (Ateneo de Manila University)

SECRETARY
Dr. Jose Victor Torres
Sector: Universities/Academic Institutions (De La Salle University Manila)

ASSISTANT SECRETARY
Dr. Erlinda Alburo
Sector: Local Studies Centers/Local Historical Societies (Visayas)


MEMBERS

Ms. Carminda Arevalo
Sector: Government Cultural Agency (National Historical Commission of the Philippines)

Dr. Celestina Boncan
Sector: Historical Organizations (Philippine Historical Association)

Dr. Lars Raymund Ubaldo
Sector: Historical Organizations (Asosasyon ng Mga Dalubhasa, May Hilig, at Interes sa Kasaysayan ng Pilipinas, Inc.)

Dr. Maria Luisa Bolinao
Sector: Universities/Academic Institutions (University of the Philippines Diliman)

Dr. Augusto de Viana
Sector: Universities/Academic Institutions (University of Santo Tomas)

Prof. Carlos Magtolis, Jr.
Sector: Universities/Academic Institutions (Siliman University)

Prof. Gil Gotiangco II
Sector: Local Studies Centers/Local Historical Societies (Luzon)

Dr. Calbi Asain
Sector: Local Studies Centers/Local Historical Societies (Mindanao)

Atty. Norma Maruhom
Sector: Universities/Academic Institutions (Mindanao State University-Marawi)

Monday, May 30, 2011

Ambeth Ocampo Lectures on Banknotes and Nation




Mukhang Pera! Banknotes and Nation: A Lecture by Dr. Ambeth R. Ocampo


June 25, 2011, Saturday
3:00 PM
Ayala Museum Lobby

Please reserve the date or better call the museum and reserve a seat.

AMAYA: PAGSILIP SA LIPUNANG PILIPINO NOONG IKA-16 NA DANTAON

Bakit hindi natin sakyan o sunggaban ang oportunidad na dala ng palabas na AMAYA ng GMA7  bilang pagkakataong ilapit sa higit na nakararami ang interes, kaalaman, kamalayan sa ating kasaysayan? o kung hindi man ay magbukas ng mga talastasan sa mga kaugnay na paksa  -- historical fiction, binukot, sinaunang kasaysayan at kultura, pagpapatuloy ng mga sinaunang tradisyon, kababaihan, mga usapin ng representasyon, simbolismo, at kapangyarihan, atbp....

Mukhang maraming puwede pag-usapan, bungkalin, at itanghal...



AMAYA: PAGSILIP SA LIPUNANG PILIPINO NOONG IKA-16 NA DANTAON

O Kung Bakit Dapat Panoorin at Suportahan ng mga Pilipino, lalo na ng mga Guro at Mag-Aaral ng Kasaysayan ang Epikseryeng “Amaya” ng GMA7.


“Iisa lang ang adhikain ng mga gumawa ng Amaya: Ipakita na ang Pilipinas, bago pa man nasakop ng kastila ay may sarili nang mayamang tradisyon at kultura.” – Suzette Doctolero

“For a historical fiction-based story that has never been tried on Philippine television before, it’s daring in terms of epic scope. Meaning, even if the central love story or drama is fiction, everything surrounding it is based on history – from culture, customs, demeanor to look.” - Direk Mac Alejandre

“Mahalagang palabas na ito dahil pinapaksa nito ang ang ika-16 dantaong kalinangang Pilipino sa Visayas. Fictional ang kwento at sumasakay sa pang-uniberal na tema ng pag-ibig, pagkapuot, tunggalian sa kapangyarihan, etc pero nakapatong ito sa partikularidad ng ating kalinangang maritimo at kamalayan sa pangangayaw at pangungubat na mahalaganga batayan sa pag-unawa ng kasaysayang Pilipino – Dr. Vic Villan

Mamayang gabi, mapanood na ng buong bansa ang pinakahihintay na epikserye ng GMA7 na AMAYA na inilarawan bilang "the most expensive and grandest show that the Kapuso Network is producing"at kinilala bilang " the one that would revolutionize the landscape of Philippine TV".

Malaking produksiyon. Pinagkagastusan. Makasaysayan. At sa wika nga ng mga kabataan ngayon, masasabing...“Wow, Epic!”

Kabisayaan noong ika-16 na dantaon ang setting ng palabas na umiikot sa kuwento ni AMAYA, isang prinsesa na naging alipin, mandirigma at mamumuno sa kanyang bayan, o banwa. Paliwanag ng headwriter at bumuo ng kuwento at konsepto ng palabas na si Suzette Doctolero:“Historical fiction ho ang Amaya. 1500's po ito. Noong panahong ang (tabing) dagat ang pinakamainam na tirahan ng ating mga ninunoDahil historical fiction ito, ginamit ko ang character ng isang binukot bilang main character sa amaya. isang binukot at ang kanyang journey to fulfill her destiny (hindi bilang magiging asawa lang, kungdi isang babaing pinuno). kung paano mangyayari iyon, na ang isang binukot ay naging warrior, yun po ang kwento.”

Isang taon ang inabot ng pananaliksik at pag-iisip bago tuluyang maging ganap na proyekto ng GMA7 ang Amaya. Sa payo ng ilang mga histoyador sa UP Diliman, napiling pagtuunan ng pansin ang pagbuo ng isang “historical fiction” na magpapakita ng kulturang Pilipino bago ang kolonisasyon. Serye ukol kay Lapu-Lapu ang unang naging plano na gawin.

Binubuksan ng palabas na ito ang maraming pintuan upang ating makita o masilip at tuluyang pasukin ang bahagi ng ating kasaysayan, bilang isang bansa, na hindi pa natin ganap na nalalaman at nauunawaan -- ang malawak at mahabang sinaunang kasaysayan ng Pilipinas. Bahaging malabo sa ating imahinasyon, o hindi pa nga bahagi ng ating kamalayan. Gamit ang bisa at kapangyarihan ng media, ng telebisyon, ng makabagong teknolohiya, ang AMAYA ay isang makabuluhan at matapang na pagtatangkang baguhin ang ating pananaw at pagyamanin ang ating kaalaman sa ating nakaraan, sa ating kasaysayan.
Dahil sa paggamit sa kasaysayan at kultura ng Kabisayaan noong panahong prekolonyal, bilang batayan sa hinabing kuwento ni AMAYA, inaasahang samu’t sari at iba-ibang usapin, debate at diskusyon ang mabubuksan. Narito ang ilang paglilinaw, mula mismo sa bumuo ng konsepto ng AMAYA, si Suzette Doctolero:

“Hindi ko po ginawa ang Amaya para lang sa pera. Otherwise, sana nag stick ako sa formula na lang ng iyakang soap kasi mas madali itong gawin kesa ubusin ko ang isang taon ko sa pagreresearch lang. Ginawa ko po ang Amaya dahil ako po ay may pagmamahal sa bansa ko at gusto kong ipakita na ang Pilipinas, specifically ang Visaya, kung saan ako nagmula, ay may mayaman at magandang kultura na ..bago pa dumating ang mga mananakop. Hindi po pera pera lang ito. Lalot hindi kami sigurado na ang genre na ganito ay papanoorin. Lalot heavy stuff ang paksa. Unlike kung simpleng dramahan lang like Mara Clara na patok agad sa audience at nagra rate. Itong Amaya, unang pagsubok ng historical fiction na genre. Kaya hindi pa subok kung ito ay kakagatin ng tao lalot may layon na maging medyo educational siya. Kaya ito po ay ginawa hindi lang sa pera. Pagsusulat po ito na may kasamang kaluluwa.

“..sa 90 million na Filipino-- ilang porsyento lang ba ang nakakaalam na may tradisyung ganito pala ang mga Pinoy? Re amaya---ive wanted to do a historical fiction na ang setting ay pre hispanic philippines. Thing is, hindi kumpleto ang tala hinggil sa pre hispanic times natin lalot mas oras tradition tayo -- so mas maraming nasusulat na facts about visayas pre hispanic times lalot may mga tala si pigafetta, na kinalat ni william henry scott sa kanyang librong barangay (na siyang bibliya ng amaya). Dahil Visayas ang setting namin, ginamit ko ang binukot (sa huling pagkakaalam ko, ang panay o iloilo ay nasa Visayas pa rin, unless, nag-iba na geography natin? :)). Bakit hindi ko gagamitin ang binukot? Lalo't napaka fascinating na may ganito palang tadisyon ang kabisayaan? hindi namin binanggit ang panay-- lalot ang pagbibinukot ay nag spread out din naman sa buong kabisayaan (may mga binukot din naman sa cebu-- na nakatala sa chronicles ni pigafetta) - basta anak ng datu, o tumao, ginagawang binukot. lalot big time ang bugay (bride price) nito. now, kung paanong naging warrior ang isang binukot--- hayaan nyong isalasaysay ng soap. Hindi pwedeng matigas agad, na hindi pwedeng maging warrior ang binukot? hahaha ayokong patayin sa boredom ang audience na binukot lang siya all throughout the series-- aba, anong kwento? may kwento. at yun ay kung paanong ang binukot ay naging slave,, alabay-- to babaylan-=- to warriror--- to being a female leader. Aba, manood po tayo. :P
“Lahat ng ganimit namin, character model, ibang terms, puro kabisayaan ang pinagmulan. Note: Bisaya. Kabisayaan. Sakop nito ang mga tradisyun sa Panay (binukot at Hinilawod-- dahil may scene na kinakanta ni Amaya ang Hinilawod), sa Cebu (babaylan, paniniwala sa kambal ahas, pagtira sa tabi ng dagat), paniniwala sa mga diwata, sa mga umalagad-- itoy tradisyong Visaya.
“...ang character na si Amaya ay isang binukot na nakatira sa isang banwa na ahop ni Datu Bugna (o hindi ba nanapaka generic?). Ayaw naming magkamali, na gagamit ng isang lugar lang, ginamit namin ang lahat ng magagandang tradisyun at paniniwala sa ibat ibang pook/lugar sa Visayas at ipinasok sa isang soap na magtatanghal kahit paano sa pre hispanic Visayas.
“Iisa lang ang adhikain ng mga gumawa ng Amaya (mapa writers, director etc): Ipakita na ang Pilipinas, bago pa man nasakop ng kastila ay may sarili nang mayamang tradisyun at kultura. Iyon lang. By the time ipalabas ang Amaya, sigurado ako, marami ang magkaka interes na mag research about binukot....o iba pang aspeto na ipapakita sa soap. Kugn mangyari iyan, hindi ba maganda? So i dont think me problema tayo. Unless, magpapaka regionalistic tayo masyado--- na hindi naman nais o layon ng soap. Ang gusto namin, maging pro Philippines tayong lahat.
“Ang storlyline ng Amaya ay hindi "binukot women are from central visayas"... Ang storyline ko: kwento ng isang binukot, sa panahon ang mga lalaki ang political leader, at kung paanong ang binukot na ito, ay maging isang warrior/leader- at a time na hindi maaaring maging leader warrior ang isang babae. Binukot ang ginamit ko dahil maaaring prize possesion sila ng kanilang ama, pero considered "weak" sila. so interesting gawing strong ang isang weak. Fictional ito ha. Hindi kami nagki claim na documentary siya. O historical talaga. We always say na historical fiction siya. Malinaw iyan.

“The binukot episodes will only run for a week or so Not more than 2 weeks) where the young amaya is being thought how to weave, chant epics (hence the use of Hinilawod-- mula sa Panay uli, in its original language---hopefully di macut--- now young Amaya reciting the Hinilawod. We used all written materials from different parts ng Visayas and we weaved it in our story. Walang masama doon. Lalot makakadagdag sa adhikain na ipakita na ang Pinas ay may kultura at paniniwala na bago pa dumating ang mga espanyol. For me to stick to only one island in the Visayas is to limit myself sa existing materials or records ng pre hispanic Visaya. Masyadong limiting yun. Lalot limitado din naman ang records per island. Thats why weve used all available materials, information, sa ibat ibang parte ng Kabisayaan (kaya nga ginamit din ang binukot) sa kwento. Note: ang paggamit ng baybay dagat bilang tirahan sa Amaya ay desisyung kailangang gawin, bilang mas visual ang dagat, at bilang isa ring paraan para ipakita ng kahalagahan ng dagat noong pre hispanic Phils (may mga binukot din sa Samar Leyte, na nakita ng mga espanyol noong una silang dumating dito-- at baybay dagat ito). Ang baybay dagat kasi ang preferred tirahan ng karamihan lalot ibang klase ang kaalaman ng mga Visaya sa boat building at navigation sa dagat (kung sa bundok ako, paano ko ipapakita iyon?). The point is, to use all available material sa buong Visayas at gamitin sa kwento. Kesa mag stick sa isang isla o lugar lang na hindi rin naman kumpleto ang historical records.”

Panoorin ang isang kuwentong hinabi batay sa kaligirang pangkasaysayan ng Kabisayaan noong ika-16 na Dantaon. Mamangha sa paggamit ng mga konsepto at detalye sa sinaunang kasaysayan ng Pilipinas na nababasa lamang sa textbook (kung nababanggit man). 
Sa mga guro at mag-aaral, at nagmamahal/nagpapahalaga sa Kasaysayan, suportahan po natin ang AMAYA ng GMA7, isang malaking ambag sa ating kaalaman at kamalayan sa ating nakaraan. Dahil dito, KAPUSO na ako!
Sige, gumawa tayo ng listahan ng mga dahilan kung bakit ito dapat tangkilikin ng ating bayan! (Mula sa blog, facebook, atbp.)

1) Jonathan Balsamo (Philippine Historical Association):“Nakatutuwang isipin pa na maraming Pilipino ang walang alam o di alam ang kasaysayan ng Pinas bago magsulat ang mga Kastila.... kaya WOW ang ginawang ito ng GMA7, sana masundan pa! Kinilabutan ako kanina sa preview dahil naipasok sa palabas ang mga konsepto at detalyeng pangkasaysayan sa sinaunang kasaysayan ng Pilipinas, o ng mundo ng mga ninuno natin noon (dahil wala pa ngang konsolidasyon/integrasyongpambansa noon). Naiintindihan kong kinailangan ng magandang kuwentong hahatak ng interes ng manonood, habang nagkakaroon ng pagtatangkang ipakita ang isang rekonstruksiyon o interpretasyon. batay sa kaligirang kasaysayan, ng sinaunang lipunan na mayroon sa ating bansa. ASTIG! Lagpas na sa usapin ng ratings ang halaga nito, pero higit ay ang pagpapalakas sa interes sa kasaysayan at kultura ng ating mga kababayan, na maaring maging umpisa upang makilala natin at mahalin ang ating bayan. Salamat po! at sa commitment ng GMA7 sa proyektong ito. Laking tulong para sa mga guro natin ng kasaysayan!
2) Vicente Caluba Villan (UP Diliman History Department): “ mahalaga tong palabas na to dahil pinapaksa nito ang ang ika-16 dantaong kalinangang Pilipino sa Visayas. fictional ang kwento at sumasakay sa pang-uniberal na tema ng pag-ibig, pagkapuot, tunggalian sa kapangyarihan etc pero nakapatong ito sa partikularidad ng ating kalinangang maritimo at kamalayan sa pangangayaw at pangungubat na mahalaganga batayan sa pag-unawa ng kasaysayang Pilipino
3) Tara Reyes (Bagong Kasaysayan, Inc.): Friends, pls. watch Amaya on may 30 GMA channel 7. Kaisang-isang beses na nag-promote ako ng teleserye kaya alam niyo na! Magaling ang kinuha nilang consultant sa Kasaysayan. Dalawin ang fb page nila para sa background ng mga kultural na konsepto ng sinaunang mga Pilipino. Yey sa GMA sa pag-invest sa mga palabas na DAPAT PINAPANOOD SA KABATAANG PILIPINO!
4) Ian Alfonso (Holy Angel University): At least hindi na mahihirapan ang mga guro ng kasaysayan sa pagpapaliwanag ng matandang Pilipinas dahil sa Amaya ng GMA 7! tiyak papatok yan. Maniwala kayo at tingnan nyo kung paano mababago muli ng GMA ang kasaysayan ng telebisyon. Mapangahas at kritikal ang pinasok niyo pern kailangang simulan na. Hehe. Ihanda lamang ang mga sarili ninyo sa constructive crticsms ng mga historyador at iskolar ng kasaysayan. Kapanalig nyo ang malaking bahagi ng lipunan - ang edukasyon. Kaya maraming manunuod
5) Xiao Chua (De La Salle University History Department): BINUKOT ANG CODE NAME KO PARA SA MAGANDA AT MAPUTING BABAE. Natutunan ko ito sa mentor kong si Dr. Vicente Caluba Villan, isangHistoryador Ng Bayan. Ngayon, hindi ko na siya pwedeng gawing code name dahil malalaman na ng madla ang kahulugan nito, at nang iba pang mga termino mula sa kabihasnang Bisaya katulad ng Hangaway, Timawa, Mangubat, Bagani, Pungsod, Banua, Uripon, Kalag, Bulawan, Karakoa na natutunan ko mula sa kanya. sa preview ng Amaya noong Biyerneshindi ako makapaniwala! Ang aming pinangarap na mga aral na ipalaganap tulad ng kabihasnang Pilipino lalo sa Kabisayaan, ang galing natin sa paglalayag at pakikidigma (pangungubat, pangangayaw) at patunayan na may kultura tayo noon at hindi tayo bobo, ay nakikita kong isinasadula sa aking harapan ng mga sikat na artista.

Bagama't kathang isip ang kwento, ang kultura at historical background ay mas o menos swak sa kasaysayan. Commendable ang pagrespeto sa kakayahan at gawain ng mga historyador na sa aking palagay ay binigyan ng tamang kompensasyon, at hindi lamang token na pakikinig sa kanila kundi pagsama sa mga historyador sa tapings. Hamon ito sa iba pang TV networks. Handa naman kaming mga historyador na makipagtulungan sa inyo, kapit bisig tayo dahil kapag naging proud tayo sa kultura natin, mas sasaya tayo sa pagpapagal para sa Pilipinas!

Kaya naman aking inirerekomenda na panoorin ang Amaya ng aking mga estudyante, kaguro at kaibigan, sapagkat nadama ko sa panonood nito na nirespeto kaming mga historyador, at nirespeto ang manonood na Pilipino sa pagbibigay ng isang kaaaliwan ngunit matalinong palabas.

6) Ros Costelo (UP Los Banos) - Isa akong kapamilya pero hinding-hindi ko papalampasin ang Amaya. Sa mga estudyante kong nagtitext sa akin about this show, alam nyo na. Sabay-sabay tayong matuto ng sinaunang kasaysayan at kalinangang Pilipino sa palabas na ito.


Ano sa tingin ninyo?



*Galing ang mga paglilinaw ni Ms Suzette Doctolero sa http://www.facebook.com/note.php?note_id=10150185850093640 kung saan makikita ang magkatunggaling mga reaksiyon at pananaw  sa paggamit sa binukot bilang bahagi ng kuwento ng AMAYA.

Makinig. Magtanong. Makilahok. ROCK ED - PHA RIZAL FORUM

Makinig. Magtanong. Matuto. Makilahok.Because learning is still the new rock and roll.Rock Ed Radio is (sort of) back in business.      :)  This forum is part of the celebration of Jose Rizal’s 150th birth anniversary. Brought to you by Rock Ed Philippines and the Philippine Historical Association. The Lopez Museum:  G/F Benpres Building, Exchange Road corner Meralco Avenue, Ortigas Center, Pasig City, Philippines telephone: (632) 6312417
Makinig. Magtanong. Matuto. Makilahok.
Because learning is still the new rock and roll.

Rock Ed Radio is (sort of) back in business.      :) 


This forum is part of the celebration of Jose Rizal’s 150th birth anniversary.
Brought to you by Rock Ed Philippines and the Philippine Historical Association. 

The Lopez Museum:  G/F Benpres Building, Exchange Road corner Meralco Avenue, Ortigas Center, Pasig City, Philippines telephone: (632) 6312417

*From Gang Badoy's tumblr: http://gangbadoy.tumblr.com/post/5996471633/makinig-magtanong-matuto-makilahok-because

Tuesday, May 24, 2011

XIAO CHUA LECTURES "JVAN LVNA CODE: THE VALUE OF THE PARISIAN LIFE" ON MAY 26 AT GSIS MUSEUM

THE JVAN LVNA CODE:

Pagtuturo ng Kasaysayan Gamit ang “Parisian Life” 
(aka THE Php $46 MILLION PAINTING)

MAY 26, 2011 (THURSDAY)
3:00 PM, GSIS MUSEUM, PASAY CITY

Prof. Michael Charleston "Xiao" B. Chua 
Pamantasang De La Salle Maynila

Pangalawang Pangulo, Philippine Historical Association




THE JVAN LVNA CODE:
Pagtuturo ng Kasaysayan Gamit ang “Parisian Life” 
(aka THE Php $46 MILLION PAINTING)

Michael Charleston "Xiao" B. Chua 
Pamantasang De La Salle Maynila
Pangalawang Pangulo, Philippine Historical Association

Ang bawat museo ay may isang tampok na likhang-sining na maituturing na pinakamahalagang obra maestra ng kanilang koleksyon: Kung Spoliarium ni Juan Luna ang sa Pambansang Museo, at Virgenes Cristianas Expuestas Al Populacho ni Felix Resureccion Hidalgo ang sa Metropolitan Museum of Manila, ang Parisian Life naman ang sa GSIS Museo ng Sining. Bagama’t mas maliit at hindi ganoong kapopular ang isa pang likhang sining na ito ni Luna noong 1892, hindi ito pahuhuli sa kontrobersiya nang bilhin ito ng Paseguruhan ng mga Naglilingkod sa Pamahalaan (GSIS) sa Christie’s sa Hongkong noong 2002 sa halagang Php 46 Milyon. Maraming kumuwestiyon sa paggamit ng GSIS ng pera ng bayan sa pagbili nito bagama’t bilang isang investment na hindi nababawasan ang halaga, nananatili itong asset sa pondo ng GSIS.

Kung pagbabatayan ang iba nitong pangalan na Interior d'un Cafi, ipinapakita ng pinturang ito ang isang babaeng nakaupo sa isang kapihang Pranses at pinagmamasdan ng tatlong lalakeng nag-uusap.

Pangunahin nang ibinatay sa mga datos at puntos na ibinibigay ng ekspertong si Dr. Eric Zerrudo sa kanyang tatlong-oras na lektura ukol sa tatlong interpretasyon ng Parisian Life, at sa sarili kong karanasan bilang historyador, guro sa Kasaysayan, at docent/tour guide/historian-on-board, sisikapin ng aking presentasyon na ipakita ang gamit ng obra maestrang upang paigtingin ang interes ng mga bata sa Kasaysayan, liban pa sa mga asignaturang MAPE at Art History.

Sa pamamagitan ng Parisian Life, maaaring ipakilala sina Juan Luna, José Rizal, Andres Bonifacio, Gregoria de Jesus, Juan Nakpil, ang Kilusang Propaganda, ang Katipunan at ang Himagsikang Pilipino, maging ang mga hindi kilalang bayani na katulad ni Dr. Ariston Bautista-Lin. Lalakbayin ang Pilipinas, Espanya, Pransya at Hongkong, at ipakilala ang konsepto ng sining bilang salamin ng mga tunay na pangyayari at ang kahalagahan ng Heritage. Lahat ng ito sa isang peregrinasyon upang mahayag ang isang misteryo: Sino ang babae sa likhang-sining?

Sa huli, maaaring itanong, hindi kung ano ang halaga ng obra maestra sa bayan, kundi ano ba ang halaga natin bilang isang bayan sa harap ng obrang ito upang maging nararapat sa pamanang kahusayan at kabayanihan ng ating mga ninuno. Bilang mga guro ng Kasaysayan, magagamit natin ang likhang ito sa napakahalagang misyon upang udyukin ang mga bata na mahalin ang bayan at mga pamana nito tungo sa kaginhawaan ng lahat tulad ng binanggit ni Andres Bonifacio, “Ampunin ang bayan kung nasa ay lunas pagka’t ginhawa niya ay para sa lahat.”



Maaaring tawagan ang GSIS Museo ng Sining upang hilingin ang lektyur na ito sa mga grupo ng higit sa 30.

Make your reservations/bookings at least one (1) month in advanced and submit the filled out form to the museum or send through fax transmission at Tel. No. 8590395. For more information, you may call us at 4793588 or email us at museum@gsis.gov.ph (http://www.gsis.gov.ph/default.php?id=66).