JOINING THE PHILIPPINE HISTORICAL ASSOCIATION

Join the Philippine Historical Association!
Educators, researchers, cultural heritage workers and other professionals who are interested in the study, teaching and promotion of Philippine history and culture, are welcome to join the PHA.

Tuesday, April 19, 2011

Xiao Chua : 2011 Outstanding Tarlaqueno for Journalism/Broadcasting

Ipinagmamalaki at binabati ng Philippine Historical Association si Prof. Michael Charleston B. Chua, PHA Vice President at kasapi ng kaguruan ng Departamento ng Kasaysayan ng De La Salle University Maynila, sa kanyang natanggap na pagkilala bilang 2011 OUTSTANDING TARLAQUENO  sa larangan ng pamamahayag, mula sa pamahalaang lokal ng Lungsod ng Tarlac, Tarlac sa pamumuno ni Mayor Gelacio Ace Manalang. 


Bilang historyador, si Prof. Chua ay madalas na nakakapanayam sa radyo at telebisyon upang magbigay-linaw sa mga usaping pangkasaysayan. Siya ay rin kasalukuyang isa sa mga regular na panelista sa programang "The Bottomline with Boy Abunda" ng ABS-CBN.