In celebration of Independence Day and Rizal’s 150th birthday, social science teachers and history enthusiasts are invited to this lecture on reading and teaching history. The seminar will focus on developing simple and fun activities for the social studies classroom.
The workshop will be held at, and with the support of, Lopez Memorial Museum and Library. Facilitator Dr. Celestina Boncan (former president of the Philippine Historical Associate, and official spokesperson of the National Historical Institute regarding Philippine historical controversies) has provided us with the course outline:
Module 1: Focus on Content
Session One: Controversies and Fallacies in Philippine History
Session Two: Heroes and the Heroic Tradition
Module 2: Focus on Research
Session One: Learning History and Social Studies through Documents
Session Two: Learning History and Social Studies through Natural Sites and Built Structures
Contact Ergoe through 352-6765 local 119 or ergoe [at] adarna.com.ph to request registration forms and for any other concern. Visit www.adarna.com.ph.
JOINING THE PHILIPPINE HISTORICAL ASSOCIATION
Join the Philippine Historical Association!
Educators, researchers, cultural heritage workers and other professionals who are interested in the study, teaching and promotion of Philippine history and culture, are welcome to join the PHA.
Friday, June 24, 2011
Saturday, June 18, 2011
Ambeth Ocampo's History Comes Alive Lecture on June 25 at Ayala Museum
HISTORY COMES ALIVE! REOPENS WITH ‘MUKHANG PERA!’
Following up on last year’s highly successful run, the History Comes Alive! with Dr. Ambeth Ocampo lecture series opens with “Mukhang Pera! Banknotes and Nation” on 25 June, 3 PM at the Ayala Museum lobby.
“Banknotes are so common, we see and use them daily, but we rarely notice the pictures and text that are on them,” Prof. Ocampo explains. His upcoming lecture will answer why particular individuals are chosen (and, just as interestingly, not chosen) to have their busts printed on money. “Mukhang Pera” also explores how banknotes refer to Philippine history, re-present the nation and express identity.
“After this lecture,” Dr. Ocampo adds, “you will never look at money the same way again.”
Ambeth R. Ocampo is Chairman of the Department of History, Ateneo de Manila University and is a widely read columnist. A former President of the Philippine Historical Association, he also served as Chairman at the National Historical Commission of the Philippines (2002-2011) and Chairman at the National Commission for Culture and the Arts (2005-2007).
Tickets are inclusive of lecture and museum admission fee, as well as a free book by Dr. Ocampo. For inquiries and reservations, call 757-7117 to 21 local 35 or email education@ayalamuseum.org.
Ayala Museum, the country’s premiere museum of fine art and history and cultural destination, is located at Makati Avenue corner De la Rosa Street, Greenbelt Park, Makati City. For more information on this year’s History Comes Alive! line up of lectures, visit www.ayalamuseum.org.
Wednesday, June 8, 2011
2011 Independence Day Colloquium
Philippine Historical Association
Kalayaan 2011 Technical Working Group
National Historical Commission of the Philippines
2011 Independence Day Colloquium
"Reflections on Nationhood"
Multi Media Center, 2nd floor Javier Hall
National Anthem: University of Batangas Stringers
Invocation: Mr. Bryan Benson Bagos
Welcome Remarks: Dr. Abegayle Machelle Perez- Chua, Vice President for Academic Affairs, University of Batangas
Opening Remarks: Dr. Evelyn A. Songco, President, Philippine Historical Association
Rizal’s Noli and Fili: Mirror of 19th Century Philippine Economic Conditions
Dr. Celestina P. Boncan (UP Manila)
Ang Konsepto ng Pagkabansa nina Andres Bonifacio at ng Katipunan sa Kapatiran at Kaginhawaan
Ang Papel ng Kababaihan sa Pagbubuo ng Bayan
Prop. Mary Dorothy dL. Jose (UP Manila)
Bakit inilipat ang pesta ng Araw ng Kalayaan mula Hulyo 4, 1946 tungo sa Hunyo 12, 1898?
Dr. Evelyn A. Miranda (Dating Tagapangulo, UP Departamento ng Kasaysayan)
OPEN FORUM
Celebrating Rizal @ 150
CREATING A “RIZAL CORNER” IN SCHOOLS
Jonathan C. Balsamo (Heroes Square Heritage Corporation)
Closing Remarks: Ms. Quennie Ann Palafox, National Historical Commission of the Philippines
Moderator: Mr. Redentor Rodriguez (Faculty, UB High School)
RIZAL’S NOLI AND FILI: MIRROR OF 19TH CENTURY PHILIPPINE ECONOMIC CONDITIONS
Celestina P. Boncan, Ph.D.
University of the Philippines Manila
PHA President 2006-2008
A noted Filipino writer once said that Rizal used numerous appellations to the gods and goddesses of Mt. Olympus in describing the characters in the Noli Me Tangere and the El Filibusterismo.[1] Crisostomo Ibarra called Maria Clara as Chloe when he placed on her head a garland of orange leaves and blossoms. As if to denote her hideous countenance, Donya Consolacion was Medusa, a woman monster with wings and snaky hair. Ibarra himself, for donating a schoolhouse to the town of San Diego, was “a devotee of Minerva” (the goddess of wisdom). According to the author, the allusions from Greek and Roman mythology were no doubt due to Rizal’s classical education.
In his dedication to the Noli and the Fili, Rizal referred to a grave illness --- a disease of so malignant a character that the least touch irritates it and awakens in it the sharpest pains (sakit na mayroong mga mapaminsalang galamay na lumilikha ng malaking kasiraan sa katawan bago pa makaramdam ng sakit ay talamak na sa katawan). And yet, Rizal says, “no one has dared to dissect this disease of society for fear that they would come to trouble” (walang makapangahas na sumalang sa sakit ng lipunan noon dahil sa takot na sila ay mapahamak).
While the Noli and the Fili epitomized Rizal’s social criticism of 19th century Philippines, the two novels reveal in economic terms this disease that the Motherland (Inang Bayan) suffered from. The 19th century saw numerous economic developments that Rizal in particular alluded to in his essay Filipinas dentro de cien años. In fact, these economic changes greatly changed the face of colonial society in the Philippines and exacerbated the “illness” which for centuries before existed into the “cancer” that it had become in the 19th century.
Rizal realistically depicted prevailing economic conditions 19th century Philippines through his portrayals of different characters in the Noli and the Fili as well as the choice of certain selected places from where the different sub-plots take place. Thus, characters like Crisostomo Ibarra, Elias, Capitan Tiago in the Noli and Kabesang Tales, Quiroga and even Mr. Leeds in the Fili denote key economic developments happening in the Philippines in the 19th century.
Through these portrayals Rizal showed the depth of his understanding of the economic travails that the Philippines suffered from and contributed to the “cancer” of his time. This is quite notable in that Rizal wrote much, if not all, of the novels’ chapters while he was away from the Philippines ---- as he was in Europe, steeped in medical studies and travels to various European cities.
ANG KONSEPTO NG PAGKABANSA NINA ANDRES BONIFACIO AT NG KATIPUNAN BATAY SA KAPATIRAN AT KAGINHAWAAN
Michael Charleston “Xiao” Briones Chua
Pamantasang De La Salle Maynila
Lumaganap ang stereotype sa mga Katipunero bilang mga bobong masa na nag-alsa ng walang katinuan at ang Katipunan bilang samahan na lumaganap lamang sa mga Tagalog. Ngunit kung titingnan ang literatura na nagmula at tinangkilik sa Katipunan huhubaran nito ang ideyang bobo sina Bonifacio at ang kanyang mga rebolusyunaryo sapagkat ang sinasalamin ng mga akda ay ang malalim nilang pagkaugat sa kalinangan at nakaraan at malinaw na konsepto ng inaadhikang bansa na nakabatay sa Sanduguan at Kapatiran. Ang kanilang ideya ng bansa ay nag-uugat sa dalumat o konsepto ng Inang Bayan, kung saan ang lahat ay magkakapatid sa pag-ibig sa bayan (Anak ng Bayan). Habang ang tunay na kalayaan ay kaginhawaan, at ang batis ng kaginhawaan ay ang matuwid na kaluluwa ng mga anak ng bayan. Samakatuwid mahalaga sa mga rebolusyunaryo ang maganda/matuwid/dalisay na kaluluwa na naiingatan sa pamamagitan ng anting-anting at naipapamalas sa pamamagitan ng magandang asal. Ibig sabihin, hindi sapat ang pulitikal na kasarinlan lamang, kailangan ng kagandahang asal ng bawat isang kapatid. Makikita ito sa Kartilya na maituturing na Saligang Batas ng Katipunan, na may ugat sa mga sinaunang kasabihan na tumutukoy sa marangal na pamumuhay. Ang lahat ng ito tungo sa inaadhikang tunay na kalayaan na nagsisimula sa kaginhawaan at kagandahang asal.
ANG PAPEL NG KABABAIHAN SA PAGBUBUO NG BAYAN
Prop. Mary Dorothy dL. Jose
University of the Philippines Manila
Kasapi, Lupon ng Philippine Historical Association
Kadalasang binibigyang-pugay natin sina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Apolinario Mabini at Emilio Jacinto bilang tagapagsimula ng konsepto ng pagbubuo ng bayan. Mula sa kanilang mga akda ay mababanaag natin ang kanilang konsepto ng bayan/nasyong nais maitatag na bagamat may pagkakaiba sa paniniwala, layunin at pamamaraan ay iisa ang direksyong tinatahak---ang pagtatatag ng bayan/nasyon.
Sa kaabalahan nating maparangalan ang mga tagapagtaguyod ng bayan/nasyon sa ika-19 na dantaon, naisasantabi natin ang iba pang grupo ng taong masasabing nagpamalas din ng sariling uri ng nasyonalismo (o proto-nasyonalismo) sa kanilang mga pag-aalsa o mga isinulat na akda. Halimbawa ay sina Hermano Puli at ang kanyang Cofradia de San Jose, si Diego Silang at ang kanyang pag-aalsa sa Ilocos, si Dagohoy at ang kanyang pag-aalsa sa Bohol, si Francisco Baltazar at ang kanyang Florante at Laura, at marami pang iba.
Gayundin, hindi gaanong nabibigyang-pansin ang isang sektor ng lipunang may ginampanan ding mahalagang papel sa pakikibaka para sa bayan---ang kababaihan. Kadalasang ang pinakakikila lamang ng mga mag-aaral na babaeng lumahok sa Katipunan ay si Melchora Aquino o Tandang Sora. Subalit ang kinakatawan ni Tandang Sora ay isa lamang sa samu’t saring papel na ginampanan ng kababaihan sa Katipunan. Kung kilala man natin sina Teresa Magbanua, Trinidad Tecson at Agueda Kahabagan bilang magigiting na Katipunera, ito ay sa kadahilanang “kumilos silang parang lalaki” sa pamamagitan ng paglahok sa aktwal na labanan. Sa ganitong tradisyunal at limitadong batayan ng kabayanihan, hindi nabibigyan ng sapat na pagkilala ang mga kababaihang sa kani-kanilang pamamaraan ay may ginampanang tungkulin sa pakikipaglaban para sa bayan, at sa pakikilahok sa pagbubuo ng bayan. Layunin ng papel na ito kilalanin ang bahagi ng kababaihan sa napakahalagang yugtong ito ng ating kasaysayan.
“BAKIT INILIPAT ANG PETSA NG KALAYAAN MULA HULYO 4, 1946 TUNGO HUNYO 12, 1898?”
Evelyn A. Miranda, Ph.D.
Propesor ng Kasaysayan (Ret.), UP Diliman
Dating Pangulo, Philippine Historical Association
Bakit Hunyo 12, 1898 ang napiling petsa? Sa papel na ito tatalakayin ang mga dahilan o argumento kung bakit ang petsang Hunyo 12, 1898 ang itinakdang petsa ng Araw ng Kalayaan. Sang-ayon sa isang historyador, mayroong limang proklamasyon ng kalayaan ang Pilipinas. Una, ang proklamasyon na ginawa ni Andres Bonifacio at kanyang mga kasama sa kweba ng Pamitinan, Montalban, Lalawigan ng Rizal noong Good Friday o Biyernes Santo, Abril 1895. Ang sumunod na proklamasyon ay ang Sigaw sa Balintawak noong Agosto 23, 1896. Si Bonifacio at ang kanyang mga kapwa Katipunero ay pinunit ang kanilang mga cedula at pagkatapos ay sumigaw ng “Mabuhay ang kalayaan ng Pilipinas!” Ang ikatlo ay ang Oktubre 1896 manipesto ni Emilio Aguinaldo na kung saan hinikayat niya ang mga Filipino na lumaban tungo sa pagkakamit ng kalayaan. Ang ikaapat ay ginawa rin sa ilalim ng pamumuno ni Aguinaldo noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit. Ang ikalima ay ang Oktubre 14, 1943 Proklamasyon. Pinahayag ni Jose P. Laurel ang kalayaan ng Pilipinas sa ilalim ng pamamahala ng mga Hapon.
[1] Armando J. Malay. “Mythology in Rizal’s Novels” in Historical Bulletin Vol. V, December 1961, Nos. 1-4
Friday, June 3, 2011
DANTE AMBROSIO, Historyador at Ama ng Etnoastronomiyang Pilipino
Dante Lacsamana Ambrosio was full professor at the Department of History at the University of the Philippines Diliman. He specializes in early history and ethno-astronomy, contemporary history, and the Martial Law Period. He finished his bachelor’s, master’s, and doctoral degrees in History at UP Diliman. He served variously as researcher, textbook reviewer, consultant, translator, editor, lexicographer, critic, and lecturer. He coauthored Kasaysayan ng Filipinas at mga Institusyong Filipino (2003) andKasaysayang Bayan: Sampung Aralin sa Kasaysayang Pilipino (2001). His researches include “Militanteng Kilusang Manggagawa: Sa Ilalim ng Batas Militar Patungo sa EDSA 1 (1972–1986)” (2007), “Surplus Ships, Surplus Engines, Surplus TV: A Social History of Survival in Malabon, Navotas, and Kalookan” (2006), and “Naga, Bakunawa, Laho: Mga Ahas sa Langit ng Pilipinas” (2004)."[Mula sa http://www.traderoots.ph, galing ang larawan sa http://history.upd.edu.ph]
Narito ang pagpapahalaga at pagkilala kay Dr. Ambrosio mula sa kanyang dating estudyante sa UP, Michael Charleston B. Chua:
NASA MGA BITUWIN NA KAYO, SER!
ni XIAO CHUA
DEO OPTIMO MAXIMO: Ihinahabilin namin sa kamay ng pinakadakila at pinakamahusay na Panginoon si Prop. Dante Ambrosio, Ph.D., Historyador Ng Bayan, na isinuko na ang ilang araw na pakikibaka sa karamdaman kaninang 2 AM, 4 Hunyo 2011 sa Philippine Heart Center.
Siya ang AMA NG ETNOASTRONOMIYA, sa kanyang aklat na BALATIK, pinatunayan niya na ang ating kabihasnan ay mayroong mayaman at sariling konsepto ng konstelasyon. Siya rin ay haligi ng KAPANAHONG KASAYSAYAN bilang tagapagturo ng Kasaysayan ng Kontemporanyong Pilipinas sa Wikang Pilipino, at nakibaka para sa bayan mula sa panahon ng kadiliman nito. Bilang paham ng Maka-Pilipinong Kasaysayan, nagturo siya sa UP Departamento ng Kasaysayan, kasapi ng Kapisanang Pangkasaysayan Ng Pilipinas, tagapagtaguyod ng ADHIKA, at kaibigan at tagapayo ng UP Lipunang Pangkasaysayan. Higit sa lahat, masigasig na guro, tapat na kaibigan, mapagmahal sa kapamilya.
Nabiyayaan niya ako ng kanyang mahahalagang kolekesyon na hindi niya ipinagdamot at dahil mapalad ako na naging estudyante niya, ipinangako ko sa kanyang deathbed noong Martes na anumang ibinigay niya sa akin ay ibabahagi ko sa iba. Sana mas may nagawa pa ako sa inyo kung maykaya lang ako pero sana alam ninyo na lagi kayong nasa isip ko.
Matagal na ang laban mo Sir Tedans, ***, pahinga ka na.... PAPURI SA DIYOS AT PASASALAMAT SA BUHAY AT PAG-IBIG NA INYONG IBINAHAGI!
Isang masayahing kaibigan at mabuting kasamahan si Sir Dante. Ito naman ang pagpapahalaga sa kanya mula sa isang kaibigang historyador sa Philippine Historical Association, Dr. Celestina P. Boncan:
Paalam, mahal na Dante
Celestina P. Boncan
Mahirap tanggapin ang balita na wala na si Dante.
Una kong nakilala si Dante sa Departamento ng Kasaysayan ng UP Diliman noong 1988 nang ako ay maging bahagi ng kaguruan. Magkatabi kami ng silid sa Faculty Center kung kaya’t siya ang lagi kong kausap. Bagamat halos lahat ng oras namin sa Departamento ay nauuwi lamang sa pang-araw-araw na pagtuturo, mayroon ring pagkakataon na kami’y nagkakausap. Ang mga alaala ko sa mga pag-uusap na iyon ay pawang masaya sapagka’t si Dante ay magiliw kausap, laging nagpapatawa.
Sa labas ng mundo ng pamantasan at buhay pang-akademiko nakilala ko ang iba pang aspeto ng pagkatao ni Dante. Ito ay nang kaming dalawa ay maging kasapi ng Board of Governors ng Philippine Historical Association (PHA).
Si Dante ay matulungin at tunay na ‘gentleman.’ Sa mga out-of-town na seminar na ginagawa ng PHA, laging naka-antabay si Dante upang tumulong magbuhat ng aming mga dala-dalahin bagamat lagi kaming pinaaalalahanan ni Dean Santos na kami ang magbibitbit ng aming mga sariling kagamitan. Ganyan si Dante, ayaw niya kaming nakikitang nahihirapan.
Si Dante ay payak na tao. Noong kami’y nasa Bohol para sa isang seminar, habang kaming mga kababaihan ay abala sa aming kasuotan para sa pagbubukas ng seminar, si Dante ay anyo ng simpleng pananamit at panlasa. Ang piniling kasuotan ni Dante ay isang plantsadong checkered na polo at maong na pantalón --- ika nga ang ‘signature’ na anyo ni Dante sa anumang okasyon.
Si Dante ay mahinahon. Walang masamang tinapay para sa kanya. Malayong siya ang pagsimulan ng alitan. Hindi niya magawang magalit kanino man. At kung mayroong di-pagkakaunawaan, wala siyang pinapanigan. Ang una pa nga niyang gagawin ay pagbatiin ang mga hindi nagkakaunawaan. Ang mahalaga sa kanya’y maibalik ang mabuting ugnayan.
Si Dante ay mahusay na tagapagsalita sa mga seminar. Madali niyang napapanatag ang kalooban ng mga tagapakinig sa mensahe ng kanyang panayam. Ito’y makikita sa mga mata ng mga participants at kanilang magiliw na pagtanggap sa kanyang mga sinasabi. Ito marahil ay dahil sa madaling maintindihan ang kanyang sinasabi at kapani-paniwala siya sa kanyang sinasabi.
Si Dante ay istoryador sa tunay na kahulugan ng salita. Siya’y nagsasaliksik ng datos para sa kanyang mga panayam. Kaaya-aya ang kanyang panayam para sa pagsusulat ng oral at local history, tampok na tema ng serye ‘The Centennial Goes to the Barrios’ ng PHA. Kung susundin ng sinuman ang kanyang mga payong-hakbang, hindi mahirap na makabuo ng isang kapani-paniwalang kasaysayang pampook.
Si Dante ay masugid na naniniwala sa kanyang mga prinsipyong pang-kasaysayan. Noong 2006 ang tema ng taunang kumperensya ng PHA ay ang pag-unlad ng mga partidong pulitikal sa Pilipinas. Binigyang-katarungan ni Dante ang bawat salita at pangungusap ng paksa na ibinigay sa kanya --- “Ang Kaliwa sa Sistemang Pampulitika ng Pilipinas.”
Mahirap isipin na nanaig ang karamdaman sa malusog na pangangatawan ni Dante. Sa pisikal na anyo, ang alaala ko kay Dante ay isang malaking tao --- matangkad, mabigat sa timbang. Una kong nakita ang panghina ng katawan ni Dante noong 2008 sa isang kumperensya ng Komisyon ng Wika. Hindi ako makapaniwala sa dami ng ibinagsak na timbang ni Dante. Payat na siya at halatang mayroong dinadalang karamdaman. Lalo akong nanlumo nang dumating ang balita na lumala ang karamdaman ni Dante at nangangailangan ng operasyon. At heto, ang pinakamasakit na balita, wala na si Dante.
Salamat Dante sa iyong pakikipagkaibigan, sa mga halakhak na nag-ugat sa iyong mga pagpapatawa, sa mga sandali ng kapayapaan at pagmumuni-muni dulot ng iyong malalim na pag-unawa sa buhay.
Paalam, mahal na Dante.
Tula ni Wensley Reyes, mananalaysay at tulad ni Sir Dante, nagsusulong at nagsusulat ng Kasaysayan sa wikang Filipino:
Alay kay Dr. Dante Ambrosio (1951-2011)
Wensley Reyes
Dinala mo ang lahat sa isang talakayan patungkol sa kabihasnan
At naging saksi kami sa paghahawan mo ng bagong kamulatan
Na ang ating pagka-Pilipino ay mas lalong mauunawaan -
Tanawin at pagnilayan ang kalangitan sa maghapo't magdamag
Esposo ng karunungan ang nagpapahalaga sa kasaysayan at kalinangan!
Aalalayan ka ng buwan at tanikala ng mga bituin
May dagdag na tanglaw ang sambayanan sa gabing madilim
Biyaya ka ng Lumikha at sa Kanya magbabalik
Rurok ng iyong pagkapantas pamana sa susunod na salin-lahi
Obrerong mapagpalaya rin, ikaw na hindi nagapi
Sa bayan na lagi mong pinaglingkuran at binigyang ginhawa
Isang pagpupugay ang iyong naging buhay at pakikibaka
Oyayi ng langit ang sa iyo ngayo'y maghihimbing!
Textbook sa Kasaysayan ng Vibal Publishing House, pinarangalan ng National Book Development Board
Ginawaran ng “National Book Development Board Quality Seal Award” ang Vibal Publishing House, Inc. para sa aklat na “Kultura, Kasaysayan at Kabuhayan 5” sa ginanap na National Book Development Board Award Ceremonies sa Eastwood Richmonde Hotel sa Eastwood City, Bagumbayan, Quezon City noong Mayo 28, 2011.
Isa sa mga may-akda ng nanalong aklat ang isa sa mga kasapi ng lupon ng Philippine Historical Association (PHA) na si Prop. Mary Dorothy dL. Jose mula sa University of the Philippines Manila. Kasama niyang sumulat ng aklat ang yumaong si Dr. Grace Estela Mateo (na siya ring tumayong patnugot ng serye kung saan kabilang ang aklat, nagturo din sa UP Manila at naging kasapi rin ng PHA), Dr. Lydia Agno, Dr. Celinia Balonso at Dr. Rosita Tadena mula sa College of Education ng University of the Philippines Diliman.
Ayon sa “citation” para sa nanalong aklat, ito ay isang “textbook na naglalaman ng mga makabuluhang aspekto ng ating kasaysayan na nakasulat sa isang simple at payak na pamamaraan na madaling maunawaan ng isang mag-aaral sa Grade V.” Binigyan din ito ng pagkilala para sa pagtalakay sa mga mga naisasantabing sektor sa lipunan at kasaysayan gaya ng kababaihan at mga grupong etnolingwistiko. Sa kabuuan, pinahalagahan ang aklat sa mga katangian nitong maaaring magbigay-daan upang mas mapukaw ang interes ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng kasaysayan.
Ang National Book Development Board (NBDB) ay ang tanggapan ng pamahalaan na may tungkuling paunlarin at suportahan ang industriya ng paglalathala ng mga libro sa bansa. Ito ay nilika ng Republic Act 8047 na pinamagatang "Book Publishing Industry Development Act (1995)".
Boncan lectures on Local History Writing in Dapitan
Dr. Celestina P. Boncan (Photo by Lawrence Charles Salazar of NCCA) |
Dr. Celestina P. Boncan, PHA President 2006-2008, joined fellow Execon Members of the National Committee on Historical Research (Sub-Commission on Cultural Heritage) of the National Commission of Culture and the Arts in conducting a Heritage Seminar at the Rizal Shrine in Dapitan City, Province of Zamboanga del Norte on May 27, 2011 as part of the Closing Ceremony of this year’s celebration of Heritage Month.
The topic of the Heritage Seminar was Local History Writing. Dr. Boncan’s lecture was on Using Archival Sources in Historical Research.
(Photo by Lawrence Charles Salazar of NCCA) |
ABSTRACT
Local History Writing Seminar
Closing Program of Heritage Month
27 May 2011 Dapitan City
USING ARCHIVAL SOURCES IN HISTORICAL RESEARCH
Celestina P. Boncan, Ph.D.[1]
University of the Philippines Manila
ARCHIVAL SOURCES are historical records most commonly referred to as documents or manuscripts. They are easily distinguishable as they are usually old, transcribed by hand --- using a brush, pen or pencil --- on paper or cloth. They constitute the records of organizations that include trade or business, religious bodies, government agencies and even individual persons. “Archives” refers both to the collection of records and to the place where these records are preserved.
The use of documents is one of the defining methods in historical research. The importance of documents was first introduced by two French scholars Charles Victor Langlois and Charles Seignobos in 1897 in their book “An Introduction to the Study of History” (Introduction aux études historiques) --- “documents are the traces which have been left by the thoughts and actions of men of former times; for want of documents the history of immense periods in the past of humanity is destined to remain forever unknown for there is no substitute for documents.” The two immortalized their contention in the phrase “no documents, no history.” Ever since, this phrase has been the cardinal rule in writing, studying or teaching history.
There are various types of archival documents, each one giving a specific kind of information --- acta (proceedings); arancel (tariff of goods), bando (circular), decreto (decree), expediente (dossier), factura (receipt), fianza (surety/guarantee/bond), liquidacion (liquidation), mapa (map), memoria (descriptive account usually of a place), oficio (memorandum), orden (order), pagamento (receipt for payment), plano (plan), pliego de condiciones (bill of specifications), presupuesto (budget estimate), protocolo (notary document), tarifa (tariff), telegrama (telegram), testamento (testament or will).
Archival documents are primary sources, meaning to say, eyewitness testimonies, hence providing information that enrich knowledge of the past and bringing the researcher “nearer” to the subject matter in a number of other ways aside from the written text --- a signature, a logo, the plan of a building or a house, a sketch of a river, prices of common food items. However, using archival documents in historical research also poses certain problems. Reading archival documents is tedious since they are handwritten, most times in a manner that is difficult to read. Because most archival documents are over a hundred years old, they are no longer in the best state or condition --- in some, the ink has faded; in others, some parts have been torn off. Another problem is being unable to comprehend the information offered by archival documents since they are in Spanish, a language which is foreign to many Filipinos.
A quotation from the centennial publication of the National Archives of the Philippines summarizes at best the role of archival documents in research on the Filipino’s past as a people:
These documents reveal generations of societies that lived under an administrative structure that documented births, royal decrees, political situations, crimes, natural disasters, health institutions, schools, business inventions, public works, and almost everything related to the execution of the government’s functions and its people’s responses between the 17th and 19th centuries, and through which not only the known historical events but also the daily lives of the people are uncovered. Their values, however, go beyond their existence or in their having been produced many centuries ago, but because they can serve a purpose today.
[1] Member, Executive Council of the National Committee for Historical Research (NCHR)-NCCA); Past President, Philippine Historical Association, Associate Professor, College of Arts and Sciences, University of the Philippines Manila
National Commission for Culture and the Arts
OFFICERS AND MEMBERS OF THE NATIONAL COMMITTEE ON HISTORICAL RESEARCH EXECUTIVE COUNCIL
HEAD
Dr. Maria Nela Florendo
Sector: Historical Organizations (Philippine National Historical Society)
VICE HEAD
Dr. Francis Gealogo
Sector: Universities/Academic Institutions (Ateneo de Manila University)
SECRETARY
Dr. Jose Victor Torres
Sector: Universities/Academic Institutions (De La Salle University Manila)
ASSISTANT SECRETARY
Dr. Erlinda Alburo
Sector: Local Studies Centers/Local Historical Societies (Visayas)
MEMBERS
Ms. Carminda Arevalo
Sector: Government Cultural Agency (National Historical Commission of the Philippines)
Dr. Celestina Boncan
Sector: Historical Organizations (Philippine Historical Association)
Dr. Lars Raymund Ubaldo
Sector: Historical Organizations (Asosasyon ng Mga Dalubhasa, May Hilig, at Interes sa Kasaysayan ng Pilipinas, Inc.)
Dr. Maria Luisa Bolinao
Sector: Universities/Academic Institutions (University of the Philippines Diliman)
Dr. Augusto de Viana
Sector: Universities/Academic Institutions (University of Santo Tomas)
Prof. Carlos Magtolis, Jr.
Sector: Universities/Academic Institutions (Siliman University)
Prof. Gil Gotiangco II
Sector: Local Studies Centers/Local Historical Societies (Luzon)
Dr. Calbi Asain
Sector: Local Studies Centers/Local Historical Societies (Mindanao)
Atty. Norma Maruhom
Sector: Universities/Academic Institutions (Mindanao State University-Marawi)
Subscribe to:
Posts (Atom)