JOINING THE PHILIPPINE HISTORICAL ASSOCIATION

Join the Philippine Historical Association!
Educators, researchers, cultural heritage workers and other professionals who are interested in the study, teaching and promotion of Philippine history and culture, are welcome to join the PHA.

Friday, November 20, 2009

PHA-DLSU Bonifacio Lecture

Inihahandog ng
DEPARTAMENTO NG KASAYSAYAN
Pamantasang De La Salle Maynila

PHILIPPINE HISTORICAL ASSOCIATION

DLSU LIGA HISTORIA
KASPIL1 C43, EI at KASPIL2 A58,N01, C36

bilang pagdiriwang ng ika-146 na Kaarawan ni Andres Bonifacio
Bahagi ng Serye ng Lekturang UNDRESS BONIFACIO:
Pagsipat sa Katauhan ng Supremo ng Katipunan

ANDRES BONIFACIO:
SUPREMO NG KATIPUNAN,
UNANG PANGULO NG HARING BAYAN
Prop. Milagros C. Guerrero, Ph.D.

25 Nobyembre 2009 (Miyerkules)
2:40 hanggang 4:10 NH
Silid 407-409 Bulwagang Enrique T. Yuchengco,
Unibersidad ng De La Salle, Maynila

_______________________________________
Isang Paanyaya

P R O G R A M A


2:40 – 2:50 NH
Panalangin
G. Emerson L. Ong (COE)

Pambansang Awit
G. Juan Alberto F. Gomez (CLA)

Pambungad na Pananalita
Prop. Rene R. Escalante, Ph.D.
Tagapangulo, DLSU Departamento ng Kasaysayan

Pagpapakilala sa Tagapagsalita
G. Michael Charleston B. Chua

2:50 – 3:50 NH
Lektura:
“Andres Bonifacio, Supremo ng Katipunan,
Unang Pangulo ng Haring Bayan”
PROP. MILAGROS C. GUERRERO, Ph.D.
UP Departamento ng Kasaysayan (ret.),

3:50 – 4:10 NH

Reaksyon
G. Roberto C. Brillante (AB HIM)
DLSU Liga Historia

Malayang Talakayan
G. Michael Charleston B. Chua

Pangwakas na Pananalita at Pagbibigay ng Sertipiko sa Tagapagsalita
Prop. Evelyn Songco, Ph.D.
Pangulo, Philippine Historical Association


Bb. Renee Lynn T. de la Cruz (CBE)
Guro ng Palatuntunan
___________ ∞ o ∞____________

“Andres Bonifacio, Supremo ng Katipunan,
Unang Pangulo ng Haring Bayan”

Lumaganap naman ang stereotype kay Andres Bonifacio bilang walang pinag-aralan, walang kakayahan, mapusok, at tinawag ang sarili na hari. Ang mga ito ay paninirang ikinalat ng mga kalaban niya noong siya ay nabubuhay pa. Bilang karagdagan sa talastasan ukol dito, nilinaw ng panayam ni Dr. Guerrero ang papel ni Bonifacio bilang pinuno ng Himagsikan, lalo na ang kanyang pagkakahalal sa Kataas-taasang Sanggunian bilang unang pangulo ng Rebolusyunaryong Pamahalaan noong 24 Agosto 1896 sa isang pulong sa bahay ni Tandang Sora sa Sitio Gulod, Barrio Banlat, Kalookan. Bilang supremo, nilinaw ni Dr. Guerrero:

As commander-in-chief, Bonifacio supervised the planning of military strategies and the preparation of orders, manifests and decrees, adjudicated offenses against the nation, as well as mediated in political disputes. He directed generals and positioned troops in the fronts. On the basis of command responsibility, all victories and defeats all over the archipelago during his term of office should be attributed to Bonifacio.

The claim by some historians that “Bonifacio lost all his battles” is RIDICULOUS.

PROP. MILAGROS C. GUERRERO, Ph.D. ay retiradong propesor ng Departamento ng Kasaysayan, Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Naging Tagapangulo ng nasabing departamento at dating Pangulo ng Philippine Historical Association. Natamo niya ang kanyang doktorado sa Kasaysayan mula sa University of Michigan at ang kanyang BA at MA sa UP Diliman. Kinikilalang eksperto sa Kasaysayang Panlipunan, Kasaysayan ng Himagsikan at ni Andres Bonifacio at Kasaysayan ng Digmaang Pasipiko sa Pilipinas, na naging mga paksa ng kanyang mga lathalain.

Serye ng Lektura
UNDRESS BONIFACIO
Pagsipat sa Katauhan ng Supremo ng Katipunan

Noong 26 Nobyembre 2008, bilang pagdiriwang sa anibersaryo ng kapanganakan ni Andres Bonifacio, Ama ng Himagsikang Pilipino, inipon ng UP Lipunang Pangkasaysayan, sa ilalim ng pangulo nito na si Ayshia F. Kunting, sa isang sampaksaan sa Faculty Center ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman ang ilang iskolar na may mga bagong saliksik na nagbigay linaw sa papel at katauhan ng Supremo ng Katipunan sa nakaraang dalawang dekada.

Bilang paggunita ng anibersaryo ng Himagsikan sa Agosto at pagdiriwang ng kaarawan ni Bonifacio sa Nobyembre, dalawa sa mga paham na ito ay aanyayahan ng DLSU Departamento ng Kasaysayan sa Unibersidad ng De La Salle Maynila upang magbigay ng mga lektura ukol sa kanilang mga saliksik at nang mapakinabangan ng mga estudyanteng Lasalyano ang mga bagong pananaw na ito, mabalanse ang kanilang mga kaalaman tungo sa pagsasaliksik ng katotohanan ukol sa isa sa mga bayani ng ating bansa.

Nitong nakaraang 12 Agosto 2009, idinaos ang unang lektura ng serye na ibinahagi ni Dr. Zeus A. Salazar, retiradong propesor ng UP Departamento ng Kasaysayan, ukol sa paksang “Andres Bonifacio bilang Punong Militar.”