SA ALAALA NI DR. GRACE ESTELA C. MATEO
September 12, 1965 – September 21, 2010
Nakikiisa sa pagbibigay pugay ang Philippine Historical Association sa alaala ni Dr. Grace Estela Mateo, historyador, guro, mananaliksik at manunulat ng Kasaysayan, na sumakabilang buhay nitong Setyembre 21 dahil sa breast cancer.
Si Dr. Mateo ay kasapi ng Philippine Historical Association at naging bahagi ng 2007 Annual Conference ng PHA bilang panauhing tagapagsalita. Siya ay assistant professor at associate dean for academic affairs ng College of Arts and Sciences (CAS), sa Unibersidad ng Pilipinas Maynila. Nagtapos siya ng AB History sa UP Diliman, MA Asian history sa Northern Illinois University at Ph.D. history sa University of Hawaii.
Reference: http://en.wikipilipinas.org/index.php?title=Grace_Estella_C._Mateo (Accessed: 23 September 2010)
Larawan mula sa facebook.